Chapter 5

14K 336 5
                                    

"EARTH to, Lalaine." Napa kurap-kurap ako at tumingin sa kaharap ko.

"Ha?"

"Anong ha riyan! Kanina pa kita tinatawag pero mistulang binge ka!" nakanguso niyang sabi at inirapan ako.

"Sorry, ano ba yon?" Hindi ko kasi alam na tinatawag niya pala ako. Mukhang nabinge ako sa kakaisip nangyari noong nakaraang linggo. 

"Alam mo kasi may tainga naman ako makikinig ako, Lalaine. Alam ko rin may bumabagabag d'yan sa isip mo, kaya nandito lang ako para makinig sayo." Umayos siya ng upo at lumapit ng kaunti sa akin. 

Buntonghininga akong tumingin sa kawalan. Paano ko sasabihin sa kanya. About 'yon sa aming dalawa ni Clement. Ayaw ko naman sabihin sa kanya na may nangyari sa amin ni Clement. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Ayaw ko lang talaga na may pagsasabihan pa ako. Hindi na ulit' ‘yon mangyayari. Isa pa rin 'yong sinabi ni Clement na 'Asked your mom' na yan. Sumasakit lang ang ulo ko.

"Wala ‘to, Marga. Yung quiz ko sa AP. ang iniisip ko," pagdadahilan ko. Totoo rin 'yon, nawala kasi ako sa focus kanina kakaisip sa nangyari sa amin ni Clement noong linggo, kaya bukya ako sa quiz namin at pinagalitan ako ng teacher naming may topak din dahil ako ang lowest.

"Hay! Ikaw naman kasi! Nakatanga ka lang sa lesson ni Sir na palaging galit sa mundo. Alam mo naman strict 'yon, e.” Bumusangot siya. “Pero, girl. Kamusta pala jamming niyong magpipinsan?" Nandon ang ngisi sa labi niya upang umirap ako. Yung pagpunta namin 'yon sa MK. 

Sa nangyari sa amin ni Clement, hindi ko alam kung masasabi kung masaya 'yon. Alam kung pinilit ko lang maging masaya noon para mapatunayan nilang walang nangyari sa amin ni Clement. Pero si Leil, nakasunod sa akin ang mga tingin niya noon na feeling ko may alam na siya. 

"Masaya naman," pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang talaga na kulitin niya ako sa mga nangyari noong nakaraang linggo. Makulit pa naman si Marga. 

"Gano'n din ang sabi sa akin ni Carter pangit. Naku! Baka masaya 'yon dahil marami siyang nakikitang mga naka bikining mga babae." Irap niya sa kawalan. Si Carter ay bestfriend niya since elementary pa lang sila. Kaya gano'n na lang ang pag-aalala niya, hindi kay Carter kundi sa mga babae daw na tinititigan nito. 

"Marami ngang babae ang tinitigan niya. Nilalapitan pa nga, e.” Para maiba naman ang usapan.

Kita ko kung paano kumorba ang noo niya. Oh ow baka mag-war na naman ‘tong dalawa mamaya. Hindi pa naman natitigil pagbabangayan nila kung walang pipigil sa dalawa. 

"Humanda talaga ‘yang pangit na Carter na yan!" 

Speaking of Carter. Papalapit na siya sa amin na nakasuot pa ng Jersey. Mukhang galing sa practice ng basketball dahil pawisan pa ito. At mukhang tapos na ang practice nila. Nakangisi ang loko nang maka lapit samin. Hindi niya alam galit na galit na ang bestfriend niya sa kanya. 

"Uyy, na rinig ko ang pangalan ko. Pinag-uusapan niyo ko? Awiiiitt ano 'yon, ha?" Naka ngisi pa siya habang ina akbayan si Marga. 

"What the fuck?! para saan ‘yon?" Tinanggal kasi ni Marga ang kamay ni Carter pagkakaakbay sa kanya at itinulak ito ng malakas palayo sa kanya. Muntik na ngang masubsob. Kita ko kung paano mangunot ang noo niya at nagtatakang palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Marga. 

"Wala! Uuwi na ako," ani Marga, na nakabusangot na bumaling sakin "Uwi na ako, Laine." Nagmamarchang umalis ito.

"Anong nangyari doon?" Nagtatakang tumingin siya sa akin. Nag shrug lang ako, kahit alam ko naman ang dahilan. 

"Habulin mo na," pagtataboy ko. Napanganga siyang bumaling ulit sa akit at kay Marga na papalayo na. 

"Hey, Marga. Wait! ihahatid kita." habol niya. 

DMS #1: True Love Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now