Chapter 19

9.6K 219 8
                                    

UUPO pa lang sana ako sa sofa para manood ng TV. Hapon na rin noon at busy sila Manang kaya imbes na umupo ako naglakad ako patungo sa pinto para pag buksan kung sino ang tao. 

Nang mabuksan ko ay bigla akong natigilan na mapasino ang taong nasa harapan ko. Bigla akong kinabahan. Nang makita niya ata na ako ang sumalubong. Kumunot ang kanyang noo at tumaas ang isang kilay niya. She look so dangerous. Isang goddess ang mukha pero nakakatakot. Parang ang dilim-dilim sa mga nangyari sa nakaraan niya dahil sa walang buhay ang mga mata nito. Naging seryoso bigla ang mukha niya kaya napatabi ako sa dadaraanan niya. 

Nakayoko ako habang hinihintay siyang dumaan. Mga ilang minuto muna ang itinagal bago niya ako lagpasan. Napabuga ako ng hangin, para akong kinapusan ng hininga dahil sa presensya niya. 

"Nasan si Clement?" Bumaling siya sa akin upang matigilan ako.

"N-nasa school po, Tita. M-may pasok po sila ngayon." Napalunok ako at huminga ng malalim. 

Naglakad ulit siya patungong sala kaya sumunod ako. Huminto siya sa gitna na ikinahinto ko rin. 

"Ahmm. . . k-kung gusto niyo po, Tita. Tatawagan ko po siya para malaman niya na nandito ka." Kahit kinakabahan na kaya ko pa rin bigkasin 'yon. 

"No. Hindi siya ang pinunta ko rito. Ikaw ang pinunta ko rito." Napaawang ang bibig ko at sumikdol nang malakas ang dibdib ko. 

"Po?" 

"You heard me? Ikaw ang pinunta ko rito at hindi siya." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at lumunok ulit. Walang tigil ang pag kabog ng dibdib ko. 

Bakit ako ang kailangan niya? May nagawa ba ako? 

Tumingin-tingin siya sa paligid na parang sinusuri ang kabuohan nang bahay. Mayamaya ay magsasalita na sana siya ng dumating si Manang na gulat. Hindi niya ata inaasahan na nandito si Tita. 

Ang totoo, hindi talaga pumupunta si Tita sa bahay na ito. Kaya nakakapagtaka at nakakagulat dahil nandito siya. Nandito siya dahil sa akin. 

"Klariet, ano ang iyong ginagawa dito at napadalaw ka." Nawala ang gulat sa mukha ni Manang napalitan ito ng pagka-seryoso. 

"At ano naman ang pakialaman mong matanda ka. Bawal na ba akong pumunta rito? Remember, bahay to ng kapatid ko at paalala lang katulong ka lang dito." Nagulat ako sa inasta ni Tita. Alam kung nakakatakot siya pero hindi ko pa nakikita kung ano ang totoong siya. Ngayon lang. At nakakawalang galang iyon sa matatanda. Matino ang pagtatanong ni Manang sa kanya pero kabastusan ang sagot niya. 

Lumapit ako kay Manang at kumapit sa braso niya. Hindi rin siya makapaniwala pero naroon pa rin ang seryoso niyang tingin. Mukhang alam na alam na talaga niya ang ugali ni Tita. 

"Hindi ka pa rin nagbabago, Klariet. Ang bastos pa rin ng bibig mo at wala ka pa rin kagalang-galang," sabad ni Manang. Hindi makapaniwala. 

"Bakit naman kita igagalang? Isa lang kayong palamunin dito. Nababagay sa inyo sa kalsada matulog." 

Hindi ko alam pero bigla akong nainsulto sa sinabi niya. Para siyang bata kung umasta. Hindi ibig sabihin na kahit ganyan ang trabaho nila Manang ay babastusin na lang niya. At hindi ibig sabihin na ganyan na siya umakto. Marangya ang trabaho nila Manang. Mabuting trabaho ang ginagawa nila. Walang mali sa pagiging katulong kung may napapakain naman kayo sa pamilya mo. Tinatanong lang siya nang maayos pero bastos ang sinagot niya. Maling-mali siya. 

DMS #1: True Love Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now