Chapter 6

12.6K 303 16
                                    

"SORRY, Ma, nagalit tuloy si Tito." iyon agad ang sabi ko ng pumasok siya sa kwarto at umupo sa kama ko, sa tabi ko.

Hindi ko masisisi si Tito kung galit siya sa amin. Ako nga naiinis ako sa sarili ko. Kararating pa lang nila gano'n na agad bungad namin sa kanya. Tama si Tito palagi na lang kami nag aaway ni Clement, mas lalo na pag nandyan siya. Feeling ko tuloy sinasadya 'yon ni Clement.

"Wala iyon, anak. Nagkagano’n lang siya dahil sa stress. Yung barko kasi nagka problema kaya gano'n," buntonghininga niyang paliwanag. Para bang pinapagaan lang niya loob ko. Para hindi na ako mamroblema.

"Kasalanan ko rin po, ma. Kung sana hindi ko na lang pinatulan si Clement. Hindi sana dumagdag ang pagka-stress ni Tito." 

"Hindi na ba kayo magkakasundo ni Clement, anak?" Kita ko ang pag-alala at lungkot sa mukha niya. 

"Sinusubukan ko naman po, ma. Siya lang po talaga ang nangunguna. Pero huwag po kayong mag-alala. Magkakasundo rin po kami." Ngumiti ako ng totoo para pagaanin ang loob niya.

Kahit naman ayaw ni Clement kay mama, naroon pa rin ang pagkagusto ni mama kay Clement bilang anak, kahit hindi niya ito anak. 

"Mabuti kung gano'n. Siya, sige na. Matulog kana. May pasok ka pa bukas." 

Humiga ako at kinumutan. Hinimas niya muna buhok ko upang mapapikit ang mata ko bago siya tumayo. 

"Goodnight, Lalaine." 

"Goodnight, ma" 

"SANDAMAKMAK na aralin na naman ‘to! Purkit hindi sila nagkaklase bibigyan tayo ng maraming assignment! Shit lang!" Kanina pa siya wala nan wala habang kumakain kami ng kwek kwek dito sa tindahan nila Kuya Boboy. 

"Huwag ka ngang maingay baka may makarinig sayo d'yan at pagkamalan ka pang baliw," sita ko sa kanya at sinubo iyong last na kwek kwek. 

"Totoo naman e!" Nakabusangot itong nagpapadyak.

"Tara na, simba tay,o" anyaya ko ng matapos na rin siya.

Nagsisimba kasi kami every friday bale nagdadasal lang at nagpapasalamat sa panginoon. Every friday lang naman pag gano'n. Lahat din ng mga estudyante nagsisimba pag uwian na. 

"Tika lang naman, ma'am! Apurado ka?!" inis niyang sabi, sabay kuha ng mga gamit niya. Tumawa lang ako.

"Ihahatid ka ba ni Carter?" tanong ko nang makalabas na kami ng simbahan. Inirapan niya ako.

Kita mo ‘to kalalabas lang ng simbahan nagtataray na naman. 

"Busy siya sa babae niya kaya hindi niya ako mahahatid." Sa sinabi niya may bahid na sakit doon pero kinunot lang niya noo niya para hindi mahalata kahit halata ko naman. 

"Matagal na kayong mag bestfriend ni Carter di ba?" tanong ko. 

"Oo, bakit?" Nakakunot ang noo niya

"Hindi mo ba naisip na magkagustuhan kayong dalawa. I mean, iisa sa inyo?" kagat labi akong tinitigan siya. 

Natigilan siya at nag-iwas ng tingin. Ilang minuto bago siya nagsalita. 

"Hindi at hindi mangyayari 'yon." 

Hindi na ako nagtanong pa baka isipin niya nanghihimasok na ako. Kahit naman kaibigan kami ayaw kung manghimasok, gusto ko siya mismo ang magsasabi. 

Pagdating ko sa bahay umakyat agad ako. Ginawa ang dapat gawin. Nag half bath lang ako, then ginawa ang assignments. 

"Lalaine, bumaba kana riyan. Kakain na." Mayamaya ay kumatok si Manang. 

"Opo, lalabas na po." 

Niligpit ko lahat ng gamit ko at ibinalik sa bag ko. Tapos naman ako sa assignments ko. Minsan kasi pag hindi pa ako tapos, nilalagay ko muna sa study table ko para pagtapos kain saka ko tatapusin. 

DMS #1: True Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon