Nineteen

461 13 1
                                    

“Miss, mayron kayong large nito?” tanong ko sa saleslady na nasa tabi ko. Namimili ako ng pangregalo para sa pasko. Ilang araw na lang kasi at pasko na. Dapat ay last week pa ako nakapamili kaso lang, sobrang busy sa daycare.

“Heto po, ma’am.” Inabot nito sa akin ang polo shirt. Hmmm. Tama lang siguro ang size na ‘to para kay Hunter. Hihi. Syempre, bibilhan ko silang lahat ng regalo. Gusto ko ‘yon magagamit nila. Katulad noon binili ko na isang set ng necktie para kay Kuya Andrew. Napansin ko kasi na paulit-ulit na lang ang ginagamit nito. Hindi na rin siya masyadong nakakalabas ng opisina dahil tambak siya ng trabaho.

“Sige, miss. Kukunin ko ito.” Ito na ang pangatlong polo shirt na napili ko para kay Hunter. Tiningnan ko ang listahan ko. 8 pa ang bibilhan ko. Okay na kasi ang para kay Mama, Papa at Kuya. Pamilya ni Hunter, si Manny, Kade at Ray pa ang dapat kong bilhan.

“Teacher Divine!” rinig kong sigaw ng isang bata mula sa labas ng store. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ray na hila-hila ang kuya nito na si Kade papasok ng store. Nasa counter na ako at nagbabayad ng pinamili ko na polo shirts.

“Hi Ray! What are you doing here?” tanong ko dito. Napatingin ako sa saleslady na nasa harap ko at napansin kong natigilan siya nang makita si Kade. Sino ba naman hindi mapapatigil kapag isang gwapong nilalang na tulad ni Kade ang nasa harapan mo?

“We’re doing this christmas shopping thing. Look!” sagot nito sa akin sabay angat ng kamay ni Kade na may hawak na paperbags. Ilan dito ay brand ng damit na pambabae at ang ilan ay sa tingin ko, laruan para kay Ray.

“Oh. Well, I’m doing christmas shopping too. What do you want?” Tanong ko dito matapos magbayad sa cashier. Hawak-hawak ko na ang paperbag na pinaglagyan ng mga polo shirts.

Humawak ito sa kamay ko habang nakahawak pa rin siya kay Kade. Hinila niya kaming dalawa ni Kade palabas ng store. Nang makalabas ng store ay binitawan niya kaming pareho at tumayo sa harap namin.

“Kiss! I want you two to kiss!” Nagulat ako sa tinuran ni Ray. Ano bang tinuturo ni Kade dito at alam na ng bata ang tungkol sa kiss. Pinaningkitan ko ng tingin si Kade at napakamot lang ito sa batok niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Hay. Lumapit ako kay Kade at hahalikan na sana siya sa pisngi ng bigla siyang napalingon sa gawi ko kaya naglapat ang mga labi namin. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis naman akong humiwalay dito. Hindi ko napigilan ang pagpula ng mukha ko.

“S-Sorry.” Sambit ni Kade. Naalala ko tuloy iyong napag-usapan namin ni noon pagkauwi ko galing kanila Hunter.

*Flashback*

“Where are you?” tanong ni Kade sa akin habang kausap ko siya sa kabilang linya. Kaka-park ko lang ng sasakyan ko. Dumaan muna kasi ako kay Kuya Andrew bago dumiretso sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Kade.

“I’m still outside, walking.” Sagot ko dito. Bakit ba nag-aalala masyado ‘tong si Kade? Hindi naman ako tatakas sa kanya. Gusto ko rin naman maayos kung ano man ang hindi pagkakaunawaan namin.

“Ok.” ‘Yon lang ang sagot nito sa akin bago binaba ang tawag. Pumasok na ako sa restaurant at agad ko naman siyang nakita sa corner spot kung saan wala masyadong tao. Dumiretso na ako papunta sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap. Kung hindi ko lang kaibigan si Kade, iisipin kong nananantsing lang ‘to. Hehe.

Pinaupo niya ako sa upuan sa tapat niya. Siya pa mismo ang naghila ng upuan bago ako pinaupo. Isang waiter ang lumapit sa amin at inabutan kami ng menu. Pasta, fresh salad at champagne lang ang inorder ko. Habang hinihintay ang mga order namin ay nag-usap na kami ni Kade.

This = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon