Thirteen

492 14 1
                                    

Umatras ako ng kaunti bago lumingon sa gawi ni Kade. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay halos mahalikan ko na siya sa labi. Buti na lang at umatras ako ng kaunti. Ngumiti lang ito sa akin at tumabi sa pwesto ko at binaling ang tingin sa stage.

Binalik ko na lang din ang tingin ko sa stage. Bigay na bigay ang dalawa sa pagsasayaw. Pagkatapos magsayaw ay pumunta na sila sa backstage para i-retouch at para na din magpalit ng damit para sa question and answer portion.

Sinundan ko si Ray at Aya sa backstage at ganoon din ang ginawa ni Kade. Pagdating sa pinto ay pinigil ko siya.

“Dyan ka lang. Hindi ka pwede sa loob.” Turan ko dito bago ako pumasok.

“No. I need to talk to him.” Him? Tumaas ang isang kilay ko dito.

“I need to talk to my little brother.” Sambit nito sa akin. Kung gayon… si Kade ang kuya ni Ray?! Kaya pala. Kung anu-ano ang tinuturo nito sa kapatid niya.

Pinapasok ko na din siya sa loob ng backstage para makausap ang kapatid niya. Nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng backstage dahil ilang saglit na lang ay magsisimula na ang sunod na portion. Dumiretso ako kanila Ray at Aya na nakapagpalit na ng damit at ni-reretouch na lang ng make-up artist.

Pagkakita na pagkakita ni Ray sa kuya nito ay nagtatatakbo ito palapit sa kanya. Binuhat naman ito ni Kade at tiningnan ang ayos ng buhok nito. Iniwan ko silang dalawa doon at kinamusta muna si Ailee. Ang ganda nito sa suot nitong fuchsia pink na gown. Halatang ginastusan ng mga magulang nito ang gown dahil puno ng embellishment at crystals.

“Kuya, did you meet my Teacher Divine? She’s pretty, right?” rinig kong tanong ni Ray sa kuya nito. Na-curious ako sa isasagot ni Kade. Ano nga kayang tingin nito sa akin?

“Yes and she’s very pretty.” Sagot ni Kade. Ramdam ko ang tingin niya kahit na nakatalikod ako dito.

“Really? Will you court her? I want her to be your girlfriend!” Ano ‘tong mga lumalabas sa bibig ni Ray? Oo, alam ko matalino siya pero hindi ko naisip na gugustuhin niya ako para maging girlfriend ng kuya niya. Baka na-impluwensyahan nito si Ray kaya ganoon kung magsalita.

Ilang minuto din natahimik ang tao sa loob ng backstage.  Tanging tugtog na nagmumula sa stage ang maririnig sa loob. Mukhang hinihintay din nila ang sagot ni Kade. Nakakahiya. Ang daming tao dito ngayon. Ang iba ay mga kapwa teachers ko pa man din. Nakikini-kinita ko na magiging tampulan ako ng pang-aasar mamaya.

“We’ll have to ask her first for permission. If she says yes, then I will court her, definitely.” Paliwanag nito dito. Hindi ko mapigilan mapangiti sa tinuran nito. Mabuti naman at hihingin niya muna ang permiso ko bago siya manligaw. Isa ‘yon sa mga gusto ko sa isang lalaki. Gusto kong pormal silang manligaw sa akin. Hindi tulad ng iba na sa text dinadaan ang panliligaw.

Bumalik na ulit ang ingay pagkatapos sagutin ni Kade ang tanong ni Ray. Binaba na rin niya ito mula sa pagkakabuhat niya at lumapit silang pareho sa pwesto ko. Naisip ko lang, nasabi na kaya ni Ray kay Kade ang sagot ko sa tanong nito dati? Malinaw pa sa sikat ng araw na ‘hindi’ ang sagot ko kung pwede ba akong ligawan ng kuya nito. Hindi ko pa kilala si Kade ng mga oras na ‘yon. Pero kung tatanungin ako ngayon? Hindi ko alam ang isasagot.

“Teacher Divine, can you let my Kuya Kade court you?” Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tumingin ako dito at hinawakan siya sa baba.

“Ray, don’t worry about it too much. Kade and I will talk about it later. For now, practice what you have to practice. You and Aya will be on stage again. Do you remember all the things that I taught you?” pag-iiba ko dito ng usapan. Hindi naman dapat inaaalala ng bata na ‘to ang tungkol sa amin ni Kade at isa pa, usapang pang-matanda ‘yon at ayoko siyang isama sa usapan na ‘yon.

This = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon