Nine

551 18 7
                                    

Nagsimula na akong magluto pagkatapos hiwain ni Hunter ang mga kailangan ko. Dalawang ulam ang lulutuin ko, pinakbet at adobong baboy para may ulam sila mamayang gabi. Hinayaan na ako ni Hunter dito sa kusina at siya muna ang tumao sa tindahan dahil may biglang nagpalaba kay Nanay Nancy.

Tumatanggap pa rin naman ng mga labahan si Nanay Nancy pero pili na lang ang tinatanggap niya. Hindi katulad dati na araw-araw ay pamilya siyang pinupuntahan para lang labhan ang mga damit nila. Mabuti na lang talaga at may tindahan na sila, at least napapahinga ni Nanay Nancy ang mga kamay at likod niya.

“Hmmm. Ate Divine, ang bango naman po ng niluluto niyo.” Turan ni Ash nang pumasok ito sa kusina. Kasunod nito ang kakambal niyang si Alec. Nasa tabi ko sila at pinapanood ang ginagawa ko.

“Kumakain ba kayo ng gulay?” tanong ko sa kambal. Naisip ko tuloy, parang gusto kong magkaanak ng kambal.

“Opo, ate.” Sabay na sagot nila sa akin. Nang matapos ako sa pagluluto ng pinakbet ay tinakpan ko muna ito para hindi lumamig habang ang adobo naman ay pinakulo ko muna para lumambot ang baboy.

“Tara, ihanda na natin ang lamesa para pagbalik ng Inay niyo ay kakain na tayo.” Turan ko. Agad naman silang kumuha ng mga plato, baso, kutsara’t tinidor at dinala sa lamesa. Habang naghihiwa kanina si Hunter ay nag-saing na ako para ang pagluluto na lang ng ulam ang proproblemahin ko.

Maya-maya lang ay dumating na si Nanay Nancy galing sa paglalabada. Mabilis lang natapos si Nanay Nancy dahil sanay na din naman siya sa ginagawa niya.

“Nanay Nancy, kain na ho. Nagluto po ako ng pinakbet at adobong baboy.” Yaya ko dito nang makapasok siya sa loob ng bahay. Medyo naiilang pa rin ako ng kaunti kay Hunter dahil doon sa ginawa niya. Kailangan ba talaga na siya ang sumipsip ng dugo sa daliri ko? Kailangan din ba na sipsipin ang dugo kapag nasugatan? Hay.

Hinintay ko na na makaupo silang lahat sa mesa. Ako mismo ang nagsilbi sa kanila. Masarap pala magkaroon ng nakababatang kapatid. Kaya pala tuwang-tuwa sa akin si Kuya Andrew at saka ngayon ko lang nakita kung bakit medyo overprotective siya sa akin. Sino ba naman ang gugustuhin na mapahamak ang kapatid niya diba?

“O, Divine. Bakit hindi ka pa kumakain? Sumabay ka na sa amin.” sambit ni Nanay Nancy. Nakatayo lang kasi ako sa may tindahan at pinapanood sila. May hiya din naman ako kahit papaano. Hehe. Hinila ni Hunter ang upuan sa tabi niya. Err, uupo ba ako doon? Nakakailang lang talaga.

Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa tabi ni Hunter at nagulat ako ng pagsilbihan niya ako. Tama kayo ng basa, siya ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko.

“Tama na ba ‘yang kanin na nilagay ko? Pinakbet o adobo?” tanong nito sa akin.

“Ahm, oo. Tama na ‘to. Pinakbet na lang. Salamat.” sagot ko dito. Agad naman niya akong nilagyan ng ulam at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa pagkain nang magsimula akong sumubo ng ulam. Napansin ko ang kambal at si Nanay Nancy na ang lalawak ng ngiti sa amin. Bakit kaya?

“Ate Divine, hindi mo po pala nasagot ‘yon tanong ko kanina. Bakit nga po pala kayo hindi nakasuot ng pang-madre na damit?” tanong ni Alec habang sumusubo ng kanin. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago ako sumagot.

Lahat sila ay tumigil sa pagkain at hinihintay ang sagot ko. Lalo na si Hunter na nakatitig talaga sa akin.

“Kasi hindi na ako madre kaya hindi na ako nakasuot ng pang-madre na damit.” Sagot ko kay Alec. May halong pagtataka ang tingin na pinukol sa akin ni Hunter.

“Bakit? Dahil ba sa kwintas kaya ka natanggal?” tanong ni Hunter. Kwintas? Hay.

“H-Hindi dahil doon. Kaya ako natanggal dahil hindi ako pumasa. N-Nawalan ako ng focus sa pag-aaral ko kaya bumagsak ako sa mga exams.” Paliwanag ko dito. Napayuko ako at naikuyom ang mga palad ko sa ilalim ng mesa. Aaminin ko, masakit para sa akin ang nangyari pero kasalanan ko din naman. Kaya wala akong dapat sisisihin sa nangyari. Hay.

This = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon