Eight

570 19 4
                                    

“Bayad ho.” Sambit ko habang inaabot ang pamasahe ko sa driver ng jeep na sinakyan ko. Nag-desisyon ako na puntahan si Divine sa monasteryo para isauli ang kwintas na naiwan niya. Ilang linggo na din kasi itong nasa amin at nagtataka ako kung bakit hindi pa niya kinukuha. Nagtanong-tanong ako sa mga kapitbahay at ang sabi nila ay bawal lumabas ang mga madre.

Maayos na sana ang biyahe ko kung hindi lang dito sa katabi ko ngayon sa jeep. Pasimple nitong hinihimas ang tuhod ko at dikit na dikit sa katawan ko kahit maluwag naman ang jeep.

Nang huminto saglit ang jeep ay lumipat ako sa bakanteng pwesto sa tapat ko. Nalukot naman ang mukha ng bakla pero hindi ito nagpapigil dahil kinindatan pa ako nito. Tsss.

Dinukot ko ang wallet ko sa bulsa ko at kukuhanin sana ang papel kung saan nakalagay ang direksyon papunta sa monasteryo pero wala akong nakita. Tiningnan ko ang bawat sulok ng wallet ko pero wala ang papel. Tiningnan ko din ang bawat bulsa sa pantaloon ko pero wala din akong nakuha bukod sa kwintas.

Pilit kong inalala kung saan ko huling nilagay ang papel na ‘yon. Pinatong ko ‘yon sa lamesa malapit sa tindahan ni Inay. Hindi kaya?

“Para ho!” sigaw ko sa drayber ng jeep. Agad naman nitong pinara at bumaba ako kaagad. Naramdaman kong may kumurot sa likuran ko, sa mismong pwet ko. Lumingon ako saglit sa loob ng jeep pagkababa ko at nakita kong abot tenga ang ngiti ng bakla. Iniling-iling ko na lang ang ulo ko at tumawid sa kabilang kalsada para sumakay ng jeep pauwi sa bahay.

Bakit sa lahat ng makakalimutan ko, ‘yon pang pinaka-importante?

----------

“Nanay Nancy, kamusta naman ho ang takbo ng tindahan niyo?” tanong ko dito habang tinitingnan ang mga paninda na naka-display sa isang bintana.

“Maganda naman. Mas gusto ko ito kaysa sa paglalabada. Nakakapagpahinga ako ng maayos kapag nasa tindahan ako at naasikaso ko pa ang mga anak ko.” Sagot nito na puno ng sinseridad. Mas maaliwalas nga ang itsura ni Nianay Nancy ngayon kaysa noon pumunta ako dito.

“Pwede niyo ho ito dagdagan ng school supplies. ‘Yon mga madalas na binibili ng mga bata katulad na lang ho ng ballpen, lapis, pambura, pantasa at papel." Suhestiyon ko kay Nanay Nancy. Dagdag kita rin iyon kapag nagkataon.

“Tama ka, magandang ideya ‘yan. Hayaan mo kapag kumita na ako ng malaki-laki ay dadagdagan ko ito ng paunti-unti.” Usal nito.

“Ate Divine?” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si James na nakatayo malapit sa pinto. Kararating lang ata nito sa eskwelahan. Ngumiti ako dito at ngumiti din siya pabalik bago dumiretso sa kwarto nila.

Isang kamay ang naramdaman kong biglang humawak sa kamay ko. Tumingin ako at nakita kong hinawakan ni Alec ang kamay ko at ngiting-ngiti na naman ito sa akin. Nag-blush pa nga si Alec eh. Talaga itong bata na ito.

“Ano ‘yon, Alec?”  tanong ko dito nang lumingon ako sa gawi niya. Nakatitig lang ito sa akin.

“Bakit hindi po kayo nakadamit na pang-madre?” usisa nito. Humarap ako ng tuluyan sa kanya at hinawakan siya sa ulo bago ngumiti. Sasagutin ko na sana siya nang pumasok si Hunter mula sa pinto ng bahay nila.

Nang makita niya ako ay natigilan siya. Ngumiti ako nang makita siya at ilang minuto din siyang nakatingin sa akin bago ito nag-iwas ng tingin. Tumikhim muna ito bago lumapit sa akin.

“Kwintas mo.” Inabot nito ang kwintas ko na kinuha niya mula sa bulsa niya. Saglit na nagdikit ang mga palad namin at tila ba nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya papunta sa katawan ko. Ano bang nangyayari sa akin?

This = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon