Twenty Three

381 12 4
                                    

Mabilis kong binalik ang mga larawan at sulat sa envelope. Inayos ko na din ang mga gamit ko. Uuwi ako. Hindi, kailangan muna malaman ni Hunter ang tungkol dito. Natatakot na talaga ako sa maaaring gawin ng mga tao na ito sa akin at kay Hunter. Pagkabukas ko ng pinto ay sobrang nagulat ako. May tao kasing nakaharang doon sa harap ng pinto. Kanina pa ba siya dito? Mabuti na lang pala at naibalik ko na kaagad ang mga pictures sa envelope. Ayokong pati siya ay madamay dito. Lalo na ang pamilya ko.

"Divine? You're pale. Kakatok pa lang sana ako nang bigla mong binuksan ang pinto. Ok ka lang ba?" usisa ni Kade.

"Sorry, I have to go." Mabilis kong sambit dito bago siya nilagpasan. Nang makasakay ako sa kotse ay tinawagan ko kaagad si Hunter. Shems. Nanginginig ako ng sobra ngayon. Mabuti na lang at nasa speed dial ko siya. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag.

"Napatawag ka?" Bungad nito sa akin. Hindi pa ako nakapagsalita noon una dahil sa takot. Palinga-linga ako sa paligid dahil baka nandito pa ang nagpadala nito. Mahirap na. Baka bigla na lang akong sunggaban ng kung sino ngayon dito. Hanggang sa nag-breakdown ako. Umiyak na ako sa takot. Kahit sino naman nasa pwesto ko ngayon ay 'yon ang mararamdaman.

"Divine, anong nangyari? Nasaan ka? Pupuntahan kita dyan." Sambit nito na puno ng pag-aalala. Pumayag ako sa gusto niya at sinabi niyang umalis ako sa lugar na 'yon at bumalik na sa bahay. Sinunod ko ang sinabi niya. Umuwi ako. Mas safe doon pero nag-aalala naman ako sa safety ng pamilya ko.

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso ako kaagad sa kwarto ko. Nagkulong ako doon. Feeling ko, kahit sa sarili naming bahay ay hindi ako safe. Kung sa school nga, nasundan nila ako, dito pa kaya? Nagpalit ako ng damit. From my uniform to jeans and shirt. Humiga muna ako sa kama at umidlip.

**********

"NO! HUWAG NIYONG SASAKTAN ANG PAMILYA KO! WALA SILANG KINALAMAN DITO!" Sigaw ko sa mga taong naka-bonnet at hawak nila ngayon sila Mama at Papa. Hindi ko sila mamukhaan dahil nga nakatakip sng mga mukha nila. Iyak lang ako ng iyak habang nagmamakaawa sa kanila.

"Ilabas mo si Hunter! Kung hindi, buhay ng mga magulang mo ang magiging kapalit!" Utos sa akin ng isang lalaki. Pamilyar ang boses niya...

**********

"Divine, wake up. Anak, wake up." Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama. Hinawakan ko ang mukha ko at basa ito.

"You're having a nightmare and crying at the same time." Turan ni Mama. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Panaginip lang pala ang lahat pero it looked and felt real. Nakahinga ako ng maluwag for now.

"Come on. Fix yourself. Naghihintay si Hunter sa baba." Hinila ako patayo ni Mama sa kama at dinala sa harap ng dresser. Sinuklay niya ang buhok ko at brinaid iyon. Like how she used to when I was still a kid. Pagkatapos niyang gawin iyon ay niyakap ko siya.

"Thank you, Ma. I love you." Hindi ko alam kung bakit, pero I felt that I have to say that to her before its too late. Kailangan kong iparamdam sa kanila na mahal ko sila. We don't have all the time in the world. Kaya dapt iparamdam natin sa mga taong mahalaga sa, atin kung gaano natin sila kamahal.

"I love you too, anak. Go now. Huwag mo nang paghintayin ang manliligaw mo." Pang-aasar ni Mama. Natawa na lang ako dito at sinunod ang sinabi niya. Bumaba na ako at nakita kong kausap ni Papa si Hunter. Masaya silang nag-uusap, not knowing na nasa panganib ang buhay ko. At hindi nila 'yon dapat malaman. Ayoko silang mag-alala sa akin. I can handle myself as long as I have faith in Him. Kung ano man ang plano Niya sa buhay ko, malugod kong tatanggapin iyon.

This = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon