Twenty

453 19 5
                                    

“Hunter, nasaan ka na?”

“Malapit na ako, huwag kang mag-alala.” Sagot nito sa akin habang kausap ko sa kabilang linya. Kanina pa kasi ako nasa boutique ng kakilala ni Mama at mag-rerent nga kami ng susuotin niya para sa party mamayang gabi. Sa isang sikat na event center gaganapin ang party.

Hindi naman ako nagmamadali pero kasi baka maligaw si Hunter at hindi niya makita kaagad ang boutique. Binigay ko kasi ang instructions kung paano pumunta dito. Ayaw naman niyang magpasundo sa akin dahil na rin niya sa nangyari noon. Baka daw harangin na naman ako ng mga sindikato.

Pumayag naman ako dahil alam kong ako ang inaalala niya at saka sa tingin ko, dapat na rin ma-expose si Hunter sa Manila. Hehe. Ilang minuto din ang lumipas bago ko nakita si Hunter na papalapit na sa boutique. Habang naglalakad siya ay hindi ko maiwasan na hindi siya titigan. Kahit simple lang ang suot niyang damit, ang galing-galing niyang magdala. Paano pa kaya kung formal attire na ang suot nito?

Pumasok ito sa loob ng boutique at nang makita ako ay hinalikan ako sa pisngi bago ako niyakap. Naku, namiss talaga namin ang isa’t isa. Ilang araw nga ba kaming hindi nagkita? Hihi.

“Tita May, siya nga pala si Hunter, Hunter si Tita May. Siya ang may-ari ng boutique na ‘to at kakilala ni Mama.” Pagpapakilala ko dito nang makita ko si Tita May na galing sa isang kwarto ng boutique.

“Nice to meet you, iho. Ikaw talaga, Divine. Hindi mo naman sinabi na pagkagwapo-gwapo nitong boyfriend mo.” Sambit nito sabay kindat sa akin. Talaga itong si Tita May. Mabait ito kaya madali ko lang siyang nakapalagaya ng loob. Nahiya naman bigla si Hunter nag marinig ang sinabi ni Tita May.

“Ahh, Tita, manliligaw ko pa lang po siya.” Paliwanag ko dito.

“Ano naman? Pasasaan ba’t mauuwi din kayo sa pagiging magkasintahan.” Turan nito sa amin. Bigla naman akong nahiya sa sinabi ni Tita May. Hinawakan naman ni Hunter ang kamay ko.

“Ocia, halika ka na, Hunter at ipapakita ko sa’yo ang isusuot mo. Pinakita na sa akin ni Divine ang kulay ng damit niya at tamang-tama, may bago akong dating na suit na babagay sa’yo.” Excited na usal ni Tita May. Hinila nito palayo sa akin si Hunter at isinama sa isang kwarto doon.

Naupo lang ako sa may receiving area at hinintay silang matapos. Maya-maya lang ay lumabas na si Hunter bitbit ang isang box. Ay, hindi ko man lang nakita si Hunter na suot ang damit. Di bale, makikita ko naman siya mamaya.

“Iha, pasensya ka na at hindi mo pwedeng makita ang isusuot ni Hunter pero sinisigurado ko sa’yo na kayo ang magiging couple of the night.” Ani nito sa amin. Couple of the night talaga? Hehe.

“Ok po. Thank you po, Tita. Ito nga po pala ang bayad.” Inabot ko dito ang credit card ko para bayaran ang suit na rerentahan namin ni Hunter.

“Huwag na, iha. Basta ibalik niyo lang ng maayos ang suit sa akin. Hindi ko na kayo i-chacharge. Natutuwa talaga ako na makilala kayo. Sayang at hindi ako makakapunta sa party. Padalha mo na lang ako ng picture niyo.” turan nito. Ang kulit lang ni Tita May. Hindi ko napigilang mapahagikgik sa tinuran niya.

“Thank you po.” pasasalamat ko dito. Niyakap ko muna siya bago kami umalis ni Hunter sa boutique. Didiretso na kami sa bahay kung saan naghanda si Mama nang lunch namin. Sinabi ko na din kanila Papa kagabi na may ipapakilala ako sa kanila na manliligaw. Hindi naman sila tumutol, natuwa pa nga sila dahil hindi ako naglilihim sa kanila tungkol sa mga ganitong bagay.

Magkahawak kaming lumabas ng boutique at sumakay na kami sa kotse ko.

“Gusto mong mag-drive?” tanong ko dito. Parang gusto ko kasi na maupo lang muna ngayon sa passenger seat at hayaan si Hunter na mag-drive ng sasakyan. Madali lang naman ‘to dahil automatic naman ang sasakyan ko.

This = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon