Two

688 18 3
                                    

(A/N: Dedicated to Pi Ey!~ Isa sa mga walang sawang sumusuporta sa mga stories ko. Lab u, Pi Ey! <3)

Malapit na kami sa destinasyon namin. Ilang oras din ang biyahe papunta sa paggaganapan ng outreach program namin. Isa sa mga sponsor namin para sa program na ‘to ay sila Mom at Dad. Pinayagan din ako nila Sister na mamili ng tatlong pamilya na personal kong bibigyan ng tulong. Gusto ko kasi, kahit paano, may maitulong din ako sa iba na gustong magtayo ng maliit na negosyo.

Ilang madre mula sa private school na katabi ng monasteryo ang kasama ko ngayon. Nag-volunteer kami ni Zen na tumulong dahil na rin kulang sila sa tao na ipapadala. Bukod sa ilang estudyante na required sumama dito ay kailangan pa din nila ng tulong sa pag-oorganize ng program.

Tahimik lang kami sa buong biyahe namin papunta dito. Nasa isang van kasi kami kasama ang ilang madre kaya natural na tahimik lang kami ni Zen.

Pagdating namin sa lugar ay agad kaming bumaba at dinala ang mga gamit sa basketball court kung saan gaganapin ang outreach program. Habang papunta sa court ay may nakasalubong akong isang lalaki na nakapukaw ng atensyon ko. Katabi niya ang isang binatilyo, dalaga at dalawang teenagers na kambal ata. Mga kapatid niya siguro dahil magkakamukha sila.

Hindi ko man gustong purihin ang itsura niya pero hindi ko naiwasan at tinitigan ko siya. Bukod sa gwapo at matipuno, ay malakas din ang dating nito. Matangkad siya sa akin ng ilang inches. Siguro nasa 5’7 or 5’8 ang height niya. Maputi at matangos din ang ilong niya at ang mga mata niya ay kulay oak brown. At ang labi niya na mapula-pula at mukhang masarap… Divine! Iwinaksi ko kaagad ang naisip ko sa utak ko.

Nang mapadaan ako sa harapan niya ay binati ko siya.

“Magandang umaga!” bati ko dito pero tinitigan lang niya ako at hindi ako sinagot. Suplado. Hehe. Kaya nginitian ko na lang siya at nagpatuloy na paglalakad papunta sa court.

Agad namin inayos ang mga gamit at  sinimulan na ang program. Isa-isang nag-ikot ang mga estudyante para maghanap ng bata na maalagaan nila para sa araw na ‘to. Mamimigay din kami ng goods mamaya sa mga bata na mapipili.

“Divine, maghanap ka na ng pamilya na aabutan mo ng tulong.” Utos sa akin ni Sister Cecille. Tiningnan ko ang orasan ko sa kaliwang kamay, ilang oras na lang at tanghali na. Hindi rin naman kasi kami magtatagal dito. Bago maghapon ay aalis na rin kami para bumyahe pabalik sa monasteryo.

“Sigurado kayo, Sister?” tanong ko dito. Baka kailangan kasi nila ng tulong dito ngayon.

“Oo, kami na ang bahala dito. Sige na, maghanap ka na para matapos ka din kaagad. Nandito naman si Zen para tulungan kami. Alam kong importante din para sa’yo ang makapag-abot ng tulong. Nagpapasalamat nga ako at isa ang pamilya mo sa nag-sponsor sa outreach program na ‘to.” Sagot nito sa akin.

“Walang anuman po, Sister. Alam niyo naman na willing kaming tumulong. Sige po, maghahanap na po ako. Babalik din po ako kaagad.” Usal ko dito bago umalis sa court at nag-ikot sa lugar.

----------

“Ui, kuya! Bakit ka nakatulala dyan?” sita ni Gela sa akin nang makalagpas ang madre. Ito ang pangalawa sa aming limang magkakapatid.

“Kuya, inlove ka sa madre?!” pang-aasar ni James, ang sumunod kay Gela. Tiningnan ko lang siya ng masama at agad naman itong pumasok sa loob ng bahay, ganoon din si Gela.

“Ang ganda niya, Kuya.” Puri naman ni Alec. Isa sa mga kambal. Katabi nito si Ash na kakambal nito.

“Madre ‘yon! Hindi mo pwedeng ligawan.” Turan ni Ash.

This = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon