Chapter 24

36 2 0
                                    

Lance POV

Nung sinabi sakin kagabi ni Pi na handa na syang kausapin ako sobrang tuwang-tuwa ako. Finally, makakapag-explain na ako. Pero kung anong saya ko, doble-doble naman ang kaba ko.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Sa magiging reaksyon nya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa mga oras na to.

"Uy bro, ayos ka lang?" biglang tanong ni Jake

"Kinakabahan ako. Feeling ko death sentence ang mangyayari sakin" pag-aamin ko

Kagabi pa kasi talaga ako hindi mapakali. Kinakabahan ako ng sobra. Feeling ko nanlalamig din mga kamay ko sa kaba.

Tumawa lang sya "I never expect na ang isang Daniel Lance Alvinson eh kakabahan ng sobra pagdating sa isang Sophia Antonnete Madrigal" sya with a playful smile

"Malamang mahal ko eh"

"Yon oh! Mahal na mahal mo talaga noh?" tanong nya

Ngumiti ako "Sobra. Hindi ako makokompleto pag wala sya."

Tinapik nya ko sa balikat "Goodluck sa pag-uusap nyo. Make sure to tell her everything. Explain all the things she need to know." paalala nya

"I will. And this time i'll make sure i'll do the right thing." gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik yong pinag-samahan namin.

Akala ko aalis na sya pero bumulong pa sya "She's here. Remember what I said. Goodluck." sabay alis

Bigla tuloy akong napatayo sa gulat dahil sa sinabi nya. Napatingin ako sa may hagdan nandun nga sya. Nakatayo at nakatingin sakin. Nandun ang babaeng mahal ko.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga tingin nya. Yong tipong sinasabing be-ready-to-face-hell-look.

"Sumunod ka." sabi nya kaya sinundan ko sya hanggang sa makarating kami dito sa gilid ng dagat.

Umupo sya sa buhanginan habang malalim na nakatingin sa dagat. Ako naman nakatayo lang sa gilid nya at nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya.

"Now explain." utos nya pero nakatingin parin sa dagat

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"I love you. You know that." sinimulan ko sa pinka-dahilan ng lahat

"I courted you for 1 year and 6 months para lang mapatunayan kong totoo lahat ng sinabi ko at seryoso ako don. Kahit ganun katagal hindi pa rin ako sumuko kasi alam ko sa sarili ko na may pag-asa. May pag-asa para sating dalawa. Pero isang araw lahat ng yon nagbago. Dahil yong mismong araw kung kelan kita balak tanungin ka na maging girlfriend ko, yon din yong araw na may nagbigay sakin ng mga pictures. Picture of you with someone else. Laughing, hold each others hand and so on." huminto muna ako at tiningnan sya. Nakatingin sya sakin na anka-kunot yong nuo nya kaya tinuloy ko yong sinasabi ko.

"That day I was very devastated na ang tanging nararamdaman ko na lang eh yong sakit. Parang tinutusok ng paulit-ulit yong puso ko. Pakiramdam ko para akong trinaydor at niloko. Kaya nga nagtext ako sayo diba? Kasi that time hindi kita kayang harapin. Hindi ko kayang magpakita sayo ng basag-basag. Tuwing sinusubukan mo akong kausapin, Im trying my best para lang wag kang harapin. Kaya nga nag-decide akong sumama kila mommy na mag-migrate sa Australia. Hindi ko sinabi sayo yon. Kasi akala ko wala lang sayo. Kasi mayron ka ng iba." I stop pero nakatingin parin ako sa dagat

"Nung nasa Australia na kami doon ko naramdaman yong pangungulila at pagka-miss sayo. Sobrang naging miserable ng buhay ko noon. Daig ko pa nga ang walking dead eh."

Childhood LoversWhere stories live. Discover now