Chapter 22

47 3 0
                                    

Pia's POV

Feeling ko ang sama-sama kong tao. Ngayon ko lang narealized na sarili ko lang ang pinakikinggan at pinaniniwalaan ko. Siguro oras na rin para kausapin ko sya.

Oo siguro nga naging unfair ako dati na hindi sya pinakinggan. Masakit pa rin kasi at hindi ko pa kaya noon. Pero siguro naman ngayon kaya ko na. Masakit pa rin pero makakaya ko naman syang pakinggan. There's no harm in trying right?

Andito kami ngayon sa isa sa mga kubo dito sa tabi ng dalampasigan. Actually cottage sya na malaki yon nga lang may harang na pader unlike sa mga ordinary cottage lang.

"Tita swim. Swim." Josh sabay turo sa dagat

Haaay! Oo nga pala, gustong-gusto nyang lumalangoy.

"Later baby ha? Papalitan pa kita ng swimming trunks mo." sabi ko sa kanya

Tumango naman sya ng sunod-sunod sabay subo ng pasta. Ang cute cute talaga ng batang to. Hindi nakakasawa. Haha.

"Oh kumain ka na din. Di ka pa kumain diba?" tanong ni Jade

"Later. Busog pa ko." sagot ko

Ewan ko ba. Wala akong ganang kumain. Feeling ko kasi busog ako.

Nagkibit balikat lang sya.

"Ano na palang plano mo? Kakausapin mo na ba?" Tanong ni Louise habang kumakain

"Mmm. Oo. Time na rin siguro." ako

"Haaay sa wakas! Kailangan nyo kasi yon eh." Louise

Siguro nga. Ito yong kailangan namin. Sana lang maging maayos yong kakalabasan.

"Swimming na tayo girls. Hindi na masyadong mainit." yaya ni Angel

"Sige tara." Mia

Kaya nagbihis na kami ng kanya-kanya naming swimming dress. Pinasuot ko din kay Josh yong swimming trunks nya. Sila Louise, Mia, Angel at Jade naman eh nagsuot ng two piece. One word to describe them. Sexy. Haha. For sure tulo laway ang mga boyfriends nila. Ako naman eh two piece pero nagpatong ako ng short shorts then see through na damit.

Nung okay na kaming lahat magbihis, bumaba na kami. Habang naglalakad napansin kong halos lahat ng madaanan namin eh tumitingin. Problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng mga dyosa? Haha

"Tita play play." Josh sabay tampisaw sa dagat

"Careful baby. Dito ka lang sa mababaw ha?" bilin ko

"Yes Tita." sya sabay laro na

"Langoy na din tayo." yaya ni Louise na hindi nya alintana yong mga matang nakatingin samin

Tskl! Tusukin ko mga mata nila eh.

Nagsilanguyan na sila. Kung titingnan para silang mga bata na sabik sa dagat. Haha

Napansin ata nilang hindi pa ko lumalangoy kaya tinawag na nila ako.

"Pia halika na. Ang sarap lumangoy oh!" Jade na lumalangoy

"Pano si Josh?" ako sabay tingin kay Josh na naglalaro sa dagat. Sa mababaw na part lang.

"I'm ok Tita. Dito lang po ako." mukhang narinig ni Josh yong usapan namin kaya sya na yong sumagot

"You sure baby?" tanong ko

"Yes Tita. I'll behave." pag a-assure nya

"Tara na Pia. Ngayon na lang tayo ulit makakapag-swimming ng sabay-sabay." aya ni Mia

No choice ako kaya lumangoy na ako papunta sa kanila.

Habang lumalangoy kaming lahat, bumalik yong mga alaala namin dati na masaya kaming magbabarkada. Yong walang pantay na saya. Ang sarap isiping after all those years, napanatili pa rin namin yong samahan naming magbabarka. Although minsan may hindi pagkakaintindihan, hindi naman namin pinapalampas ng isang araw yong away namin para hindi na lumaki pa.

Childhood LoversWhere stories live. Discover now