Chapter 21

77 3 0
                                    

Angel's POV

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko tungkol sa nangyari kanina kila Pia at Lance. Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Pia ang mga ganung bagay.

Lahat kami nagulat kasi alam naming hindi lang yon yong dahilan kung bakit nya nasagot si Lance ng ganun. Ibang Pia ang nakita ko kanina. Hindi sya yong dati na kilala ko. Iba sya. Ibang-iba.

Puno sya ng galit at puot kanina. Oo,alam naming nasaktan sya at kahit na hindi nya samin aminin alam naming patuloy pa rin syang nasasaktan.

Kailangan namin syang makausap. We need a girl to girl talk.

"Kailangan natin makausap si Pia." sabi ko

Kami na lang kasi nila Louise, Jade at Mia ang nandito kasi sinamahan naman nila Cedric si Lance.

"Sa totoo lang, I don't know how or what will I react sa nangyari kanina." Mia

"Hindi ko ene-expect na magiging ganun kaagad yong reaction nya. For Pete's sake that was only a statement. And we all know na hindi naman yon yong gusto talagang sabihin ni Lance." Jade

"I know. Even me, I wasn't expecting that. Pero girls, hindi tayo pwedeng magalit or even question Pia about it ng agad-agad na lang. Kilala natin sya. Alam nating nasasaktan sya kaya we need to explain and put it in her mind na wag syang masyadong padalos-dalos sa mga salita nya. Kasi alam ko na kahit hindi sya pinatulan ni Lance, nasasaktan din yong tao sa mga sinabi at inasal nya kanina." Louise

Tama si Louise. Kailangan namin syang kausapin at ipaintindi sakanya yong mga bagay-bagay na ayaw nyang pakinggan. Pero this time, she need to listen. Para naman maliwanagan sya kahit papano.

Nag-decide kaming kausapin na si Pia.

TOK! TOK! TOK!

"Pasok" rinig naming sabi sa loob

Nakita namin si Pia na nakahiga sa kama habang binabantayan nya si Josh na mahimbing na natutulog.

"Gusto ka naming makausap." Louise

Sa aming lima, si Louise ang pinaka-malapit kay Pia. Kaya sya na ang naglakas loob na magsabi kay Pia nyan.

"Tara." sya sabay labas kaya sinundan na lang namin si Pia.

"Anong pag-uusapan natin?" tanung ni Pia

Nandito pala kami sa may garden. Maganda ang view kaya makakapag usap kaming lahat.

"About what happened earlier." si Jade na ang sumagot

Hindi sumagot si Pia kaya nagsalita na ako.

"Pia hindi ka namin maiintindihan kung hindi ka magsasabi samin." ako

"Hindi namin ene-expect na ganun yong magiging attitude mo kanina." Mia

"We just want you to know na hindi namin to ginagawa kasi nagagalit kami sayo. We're doing this para naman gumaan yong pakiramdam mo kasi alam naming may mabigat kang dinadamdam." Louise

"Tatanungin ka namin sagutin mo ng maayos." dagdag ni Louise

Tumango lang si Pia bilang sagot.

"Bakit mo nasabi kay Lance yong mga ganung bagay?"

"I don't know. Kusa na lang lumabas sa bibig ko." sagot nya

"Galit ka pa rin ba sa kanya?" this time si Jade naman yong nagtanong

"Honestly yes. Hindi naman yon mawawala na lang basta-basta ng dahil sa bumalik sya." Pia

"Ba't hindi mo sya bigyan ng chance to explain everything?" Louise

Childhood LoversWhere stories live. Discover now