Natawa naman ako nang sarkastiko. Reason? Meron bang tamang rason para manloko ng isang tao?"


"Stop acting like you know what happened." Malamig na sabi ko sa kaniya. Napatango naman siya.


"Sorry," sambit niya. "But always remember that we all have reasons." Nag-iwas siya ng tingin. "We always do." Mahinang sabi niya bago tuluyang umalis.


Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil kahit ano pang lumabas sa bibig ng kahit na sino, hindi mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.


Umiyak lang ako nang umiyak buong gabi. Mag-isa lang ako sa bahay at kahit lakasan ko pa ang iyak ko, walang makakaalam.


"Zoey, huwag muna ngayon please. Ako nang bahala." Nanghihinang sabi ko nang tawagan ako ni Zoey kinaumagahan.


["Gusto ko lang makasigurado kung okay ka. Sobra akong nag-aalala sa 'yo."] nag-aalalang sabi niya.


"Okay lang ako—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may biglang kumatok. "Tatawagan na lang kita ulit." Binaba ko na ang tawag at agad na tumayo.


Baka si Mama o kaya si Jairo 'yon. Naka-lock ang pinto dahil ako lang ang mag-isa. Kaagad akong bumaba para buksan ang pinto. Pero natigilan ako at nagsisi na binuksan ko ang pinto nang makita si River.


Sumikip ang dibdib ko nang makita siya. Punong-puno nang pag-aalala ang mga mata niya na hindi ko magawang paniwalaan. Gustong-gusto ko na siyang sampalin.


"Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig na tanong ko.


"Why didn't you tell me you were working with Zoey?" galit na tanong niya. "Zoey called me. She told me everything you didn't tell me for the past months." Seryosong sabi niya. "Why didn't you tell me? Bakit sa iba ko pa malalaman? Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang mga nangyayari sa 'yo?" dere-deretsong sabi niya. "Zari," napayuko siya at parang maiiyak na. "You were suffering and you didn't tell me?"


Nanatili akong seryosong nakatingin sa kaniya. Hindi na ako nagulat. Ang guilt na nararamdaman ko noon dahil sa pagsisinungaling ko ay hindi ko na maramdaman ngayon. All I can feel is anger and pain. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang litratong nakita ko kagabi.


"Cheater." Bulong ko na narinig niya. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.


"Ano?" naguguluhang tanong niya.


Tinalikuran ko siya at naramdaman kong sumunod siya sa akin. Natural magmamaang-maangan siya. Sino bang gago ang aamin kapag nanloko siya?


"Zari, ano ba'ng—" Hinarap ko sa kaniya ang cellphone ko kung saan makikita niya ang litratong natanggap ko kagabi.


Hindi siya nakapagsalita at gulat na nakatingin lang sa litrato. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.


"H-hindi—" Sinampal ko siya.


"Tangina mo! Manloloko kang gago ka!" Sinampal ko siya nang paulit-ulit at hinayaan niya lang ako. "Ginago mo ako! Gago ka, River! Gago!" Nagsisimula nang mangilid ang luha sa mga mata niya habang ako ay unti-unti nang nanghihina sa kahahampas sa kaniya.


"Zari..." Hinawakan niya ang kamay ko nang mapirmi ang kamay ko sa dibdib niya.


"Bakit..." Nanghina ako at mahinang pinaghahampas ang dibdib niya. "Bakit mo nagawa sa 'kin 'to..." Napaupo ako sa sahig pero nanatili siyang hawak ako para maalalayan. Nakaluhod siya habang hawak pa rin ako.


"Zari, I didn't—"


"Huwag ka nang magsinungaling, please..." Nanginginig na ang boses ko. "Bakit mo ako nagawang lokohin?"


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Where stories live. Discover now