"Nakakaba talaga kapag nalaman ni Fia ang mga crush niyo, siguradong hindi kayo titigilan kakaasar."

Kwento ni Nikka sa harap namin dahilan para matawa si Fia. Ilang oras pa kaming tumambay roon nang maisip naming lumabas na. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mga lalaking sinigawan ni Fia kanina. Omg, huli na nang makatakas ako.

"Kuya, crush ka nito oh!"

Nanlaki ang mga mata ko at sandaling napatigil sa mabilis na pangyayari. Nagmadali akong maglakad at iniwan silang hindi matigil ang tawanan. Shit, kinilabutan ako nang biglang tumingin sa aking gawi ang mga lalaki dahilan para mas lalo kong bilisan ang lakad.

"Ellie, kapag nalaman ko talaga ang crush mo, humanda ka na." Biglang dumating si Fia sa tabi ko at sinabi iyon.
End

Shit, hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Napaka awkward at nakakainis. Geez, hindi malabong gawin iyon ni Fia lalo pa't ngayon ay malapit sa kanya ang taong tinutukoy ko.

"Ano na, Ellie?" Natauhan ako nang magsalita ulit si Fia sa harapan ko. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanyang mga titig.

"W-wala. Nagbibiro lang si Missy." Pa cool kong sagot pero labis na ang kabang nararamdaman ng puso ko.

Sumisigaw ng kuryosidad ang mga mukha nila habang sabay na nakatitig sa akin. Naging matatag pa rin ako sa kanilang harapan kahit nang-aasar na sa tabi ko rito si Lance.

"Tara na nga." I hurriedly stood up and walked faster than them.

Wala naman akong ginawa pero kinakabahan lang ako kay Missy baka kung ano pa ang masabi niya. Geez, ayoko ng issue. Gusto ko ng tahimik na buhay.

"Bakit ka ba kinakabahan e wala naman akong sinabi." Biglang dumating si Missy sa tabi ko nang mahabol ako.

Sumilip ako sa likuran ko para tingnan sina Fia na maedyo malayo ang agwat sa amin bago ko nilingon si Missy ulit. "Baka mamaya madulas ka bigla. Ako pa mapapahamak sa'yo e." Pabiro kong sagot.

Napairap naman siya sa akin. "Hayaan mo na nga kasi sila. Chill ka lang diyan."

Awtomatikong napalingon ang ulo ko sa kanya. "Wow, thank you for encouragement ahh. Grabe, laki ng tulong mo sobra." Sarkastikong sagot ko rito. 

Natawa siya nang mahina. "E hayaan mo na nga lang. Sus, kung maka deny naman 'to akala mo hindi hulog na hulog sa lalaking iyon." Napailing nalang ako.

While walking I still can't deny the fact that I am still missing him. Ang hirap naman kasing mag move on. Kahit naman kaonting panahon ko lang siya nakita at nagustuhan, ewan ko ba kung bakit ang tagal kong maka move on na akala mo naman naging kami.

"Tulala na naman." Nagulat ako nang biglang dumating si Missy sa harapan ko.
Nasa may hagdan na pala kami at nauna na sina Fia kaysa sa 'min.

Grabe, ang bagal kong maglakad ngayon. Mabuti nga at nakakaakyat pa rin ako nang maayos kahit lutang na lutang ang isip ko ngayon. Kung hindi pa dahil kay Missy e hindi pa ako matatauhan.

"Hay naku, ang hirap talagang maka move on kahit crush lang 'no." Pumintig ang tenga ko nang marinig iyon.

Nakangisi siya nang malawak sa harapan ko kahit malamig na ekspresyon ang binibigay ko lamang sa kanya. Nang hindi niya pa rin iniiba ang mukhang iyon ay saka ako napaismid.

"Tigilan mo na nga. Alam mo bang muntik na iyong kanina. Iyon iyong kasalanan mo, ang daldal mo talaga." Reklamo ko rito nang naiinis.

Tumawa siya nang mahina. "E halata ka kasi. Hindi ka pa umaamin na miss mo siya e, halatang halata talaga, girl." Pang-aasar pa rin nito. Tsk, pakialam niya sa nararamdaman ko.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now