From unknown number:

Mga misteryong kaganapan, ang sagot ay nasa iyong harapan.



"Nothing, by the way are you ok now?" Pag-iiba ko ng usapan upang hindi na sya makapag tanong pa, nabaling sakanya ang tingin nila Ezekiel. Andito kami ngayon sa Cafeteria because its lunch time. Naisipan ni Gie na sumabay samin na kumain dito, kahit na may Cafeteria din para sa mga Junior.



"May nangyari ba?" Nakakunot at nag-aalalang sabi ni Ezekiel.



"Wala naman kuya" Nginitian nya sila but I know it was fake, dahil hindi manlang umabot sa mata nya ang ngiti nya.



Hanggang ngayon kasi masama parin ang mood nya dahil umasa sya na ang tinutukoy nyang babae noong isang araw ay ang babaeng hinahangaan nya.



"Basta pag may problema ka, sabihin mo lang samin hah." Nakangiting sabi ni Shawn at ginulo ang buhok ni Gie na agad namang tinampal nito.



"Kuya naman ih, magugulo yung buhok ko, ang hirap kaya ayusin nyan." Nakapout na sabi nito.



"Humahaba nanaman yang nguso mo." Pang-aasar na sabi ni Klyde na mas lalong kinahaba ng nguso ni Gie.



"Kuya oh, Binubully nila ako." Nakapout na sumbong nya sakin.



I think bumalik na si Gie sa dating sya.



"Wag nyo nga syang pagtripan, ang kyut kyut kaya nya." Dumukwang pa si Harold at pinisil-pisil ang pisngi ni Gie.



"Aray ko, huhu kuya masakit na" Reklamo nito saka tinampal din ang kamay at sinamaan ng tingin si Harold na nakangisi sakanya.



"Hindi nga sabi ako cute eh, I'm not a dog ok?!" Singhal nito.



Si Gie yung tipo na ayaw na ayaw napagsasabihan ng kyut dahil para sakanya, panghayop lang yon.



"Ok, ok times up na hahaha." Natatawang sabi ni Harold habang nakataas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko.



"Outch! Aray, bat kaba nambabatok?" Inis na tinapunan ng tingin ni Harold si Kairo na katabi nya sa upuan.



"Ikaw, lagi mo nalang iniinis si Gie, dikanaman uubra dyan." Sa simpleng sinabi nayon ni Kairo biglang nagsitawanan sila Brix.



"Pfft" Brix.


"Hindi ko makakalimutan yon hahaha." Kyle.


"Hahaha oo nga noh." Klyde.


"Psh! Pinagbigyan ko lang sya non no, pagsinaktan koyang si Gie edi patay ako kay Zae." Singhal sakanila ni Harold.



"Sus palusot kapa hahaha" Pangungutya ni Kenzo, nakatanggap tuloy sya ng Death Glare kay Harold.


"Aminin mona kasi na hindi ka uubra kay Gie hahaha." Natatawang sabi ni Asher.



Tinignan silang lahat ng masamang tingin ni Harold na mas lalong kinatawa nila.



Minsan kasing naging trainer ni Gie yang si Harold. At nag one and one sila na ang gamit na sandata ay knife and guess what? Muntikan ng masugatan ang pinakamamahal na mukha ni Harold dahil sa hindi inaasahang pag atake sakanya ni Gie, masyado kasi syang naging kampante noon kaya natalo sya ni Gie, at sa tuwing pinapaalala yon lagi syang niloloko ng mga kasama namin.



Habang inaasar-asar nila si Harold, nagawi ang tingin ko sa isang babaeng nagmamadaling lumabas ng cafeteria, wala naman akong pakialam doon pero ewan koba, parang may nagtutulak sakin na sundan ang babaeng iyon.



"San ka pupunta kuya?" Tanong ni Gie ng mapansin nyang tumayo ako.



"Dyan lang." Simpleng sabi ko at agad nagtatakbo papalayo sa Cafeteria, pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko, nagtataka kung bakit ako tumatakbo, hindi ko nalang sila pinansin at sinundan yung babae kanina.



Sa di kalayuan nakita kona yung babae, nagmadali akong pumunta sakanya at ewan koba, kung bakit hinawakan ko sya sa balikat habang nakatalikod sya, pero sa di inaasahan.....



"Aray!"



Hinawakan nya ang kamay ko at pinalipit nya ang braso ko at binalibag ako sa semento, which is hindi ko inaasahan kaya ganon nalang nya ako nakayanang naibalibag. Ang akala ko hihingi sya ng paumanhin dahil sa ginawa nya, pero binigyan nya lang ako ng blank expression bago ipinagpatuloy ang paglalakad.



Naiwan akong nakaawang ang bibig dahil sa hindi inaasahang ginawa nya.



Could a shy type girl can do that?



Para sa sensitive at shy type na babaeng tulad nya, hindi ko inaasahang kaya nyang magbalibag ng lalaki.



Who are the real she?

A/N

Maligayang bagong taon sa inyong lahat guys, I hope maligaya ang bagong taon nyo kahit na may kinakaharap tayong pandemya ngayon.

Psst! I wanna say sorry sa mga linyahan na dapat ay pang lalaki na nagagawa kong babae, hayaan nyo sa susunod na story ko, babae na ang gagamitin kong P.O.V. Mahirap pala gumamit ng P.O.V na  panglalake, dahil first of all babae ako at hindi ko alam kung paano sila kumilos at magsalita.

Again happy new year. Sorry for the long long wait update :)

Who are You? [On-going]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang