33rd Stamp

321 6 0
                                    

33RD STAMP

 

***

Nakatutok sa akin ang baril at alam ko kung anong iniisip ni Benj ngayon.

"If that's what you wish." Tiningnan ko si Xavier sa mata. He can hurt me now. "Goodbye, Fuego." Fuego!

Pumikit ako at nakarinig ako ng putok ng baril. Hinintay ko na matamaan ako sa ulo pero wala. Dumilat ako at nakita kong nasa sahig na si Xavier. Dumudugo yung paa niya. Napatingin ako kay Sandie. Nakatutok ang baril niya kay Xavier. Tumakbo naman agad si Benj palapit sa akin at agad tinanggal ang pagkakatali sa akin. Maya-maya lang napansin kong gumalaw si Xavier. Tinaas niya ang baril niya at...

"NO!" Sigaw ko. Napamura si Benj at natumba papunta sa akin. Dumudugo ang likod niya at may dugo na rin na lumalabas mula sa bibig niya. "Benj... Benj?" Halos pabulong na sabi ko.

"Para sa'yo..." Pabulong niyang sabi bago siya bumagsak sa mga bisig ko.

"BENJ! No, please. Guevarra! Huwag kang magbiro! I have one stamp left. Hindi pa tapos ang kontrata." Sabi ko habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.

Nakarinig na naman ako ng putok ng baril.

"Oh my gosh!" Napatingin ako kay Sandie. Tumakbo siya palapit kay Xavier. "He shot himself." Sabi niya.

"Fvck it." Sabi ni Luke.

Dumating ang mga police at emergency team. Kung paano, hindi ko alam. Kinuha nila si Xavier na dead-on-the-spot, at hinuli pati ang mga tauhang nakabilang sa scenario ngayon.

"Let go of me! Let go!" Pagpo-protesta ni Aru sa mga humuli sa kanya. "I am Aru Fuego, for pete's sake! Let go of me!"

"Tell it to the judge." Sabi ng police na humuli sa kanya.

Kinuha nila si Benj mula sa akin.

"You'll save him, right?" Tanong ko.

"I don't know, miss. I can't say yes or no." Sabi ng lalaking kumuha sa kanya. Yumuko ako.

"Okay. Thank you." Sabi ko at dinala na nila si Benj palabas. Alam ko namang hindi pa nila masabi. I understand them. Hindi ako OA.

Napatingin ako sa mga kamay kong duguan dahil kay Benj. Ang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay ngayon.

~

Nasa ospital kami. Ginagamot ang mga natamong pasa at sugat ni Benj, Luke at Sandie. Habang ako ineeksamin ng mga doktor.

"Ver!" Wika ni Sandie.Napatingin ako sa pinto ng emergency room. Narito nga si Ver. Nilapitan siya ni Sandie at niyakap.

"Hi, ate Sandie. Hi, kuya Luke." Kumalas si Sandie sa yakap. Nagfist bump si Luke at Ver.

"Good work, Ver." Pagpuri ni Luke. What? Why?

"All thanks to ate Louisse. Sa kanya ko natutunan ang lahat." Sabi niya at nilapitan ako.

"Hindi ko naman tinuro sayo--"

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon