30th Stamp

276 4 0
                                    

30TH STAMP

 

Nagising ako na masakit ang ulo. Pakiramdam ko mababasag yung ulo ko. Bumangon ako kahit pumipitik sa sakit yung ulo ko at kumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina at nadatnang nagluluto si mommy at tumutulong naman si Luke at Sandie.

"Goodmorning, Yuri!" Bati ni Sandie. Nginitian ko lang siya.

"Akala ko kailangan pa kitang hilain pababa ng kama mo." Sabi ni mommy.

"Nasaan si dad?" Tanong ko.

"Nasa garahe. Nilalagay ang mga hiking stuff." Sabi niya. Wow. We're gonna go hiking and my head hurts.

Inabutan ako ni Luke ng isang tasa ng kape.

"Heto, inumin mo para matanggal sakit ng ulo mo." Sabi niya.

"First hangover. Yeah it hurts a lot." Sabi ni Sandie. "You'll get used to it."

Oo nga pala. Nilasing nila ako kagabi. Inalala ko yung mga narinig ko kagabi.

"You are her brother! For pete's sake."

 

"Hindi pa kasal ang mom at dad niya noon. Yuri was... I hate to say it, but Yuri was an accident."

 

"Siya ang tunay na anak."

Dahil sa paglalasing ko kagabi, nalaman kong Fuego ako. Dugong Fuego ako! Ibig sabihin kalaban ako. Kalaban nga ba? Hindi ko alam. Hindi ko na alam sino ang tunay na kalaban. Yung dalawang lalaking naaalala ko, si Xavier at si Luke ba yun? At si dada, ang taong dahilan ng pagkamatay ng so-called legendary father ko, ay ang tunay kong ama. It all fits!

Pumitik sa sakit ang ulo ko. Napakuom ako ng palad sa sobrang sakit.

"Yuri, are you fine?" Dinig kong tanong ng stepdad ko. Nakapasok na pala siya ng bahay.

"Yes, I'm fine."

"Is your head hurting? The doctor says it might hurt on the process of remembering." Sabi niya. I am done remembering.

"Just hangover. Got drunk last night." Sabi ko.

"You know I never allowed you to drink." Paalala niya. Hindi naman siya galit.

"Sorry."

Inubos ko yung kape. Medyo nawala na rin ang sakit ng ulo ko. Naalala ko yung tanong ko sa stepdad ko, "Who the hell am I?" I am Yuri. Yuri who? Han Yuri? Yuri Wilson? Louisse Wilson? Yuri Fuego?

"We have a special guest hiking with us today." Napatingin ako sa stepdad ko. Nakangisi siya. Jeez. I find it creepy.

"Yes, and you'll love him." Sabi ni mommy.

"Him?" Tanong ko. Tinanguan ako ni mommy. Napatingin ako kay Sandie at Luke.

"You may come in now." Sigaw ng stepdad ko.

Napatingin kaming lahat sa front door na nakabukas. Pumasok ang isang lalaking nakablue v-neck shirt at nakajeans. May dala siyang maleta. Tumayo ako at lumabas sa backdoor.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon