20th Stamp

406 11 0
                                    

20TH STAMP

 

 

Nakarating kami sa isang bahay. Hindi siya abandoned, hindi rin siya engrande. Pwede siyang matirhan. Bumaba kami sa van. Binuhat ng lalaki yung babaeng nasa likod kanina.

"Ang sabi kasi, sa iyo yung isang oxygen mask." Sabi niya sa buhat buhat niyang babae. Hindi nakasagot yung babae dahil wala na siyang malay.

"Okay lang ba siya?" Tanong ko.

"Invincible yan. Huwag ka mag-alala, may sasagip pa rin sayo kapag pinuntahan ka na naman ng Fuegong yun." Sagot ng babaeng kasabay kong maglakad papasok ngayon. "Call me Saf na lang."

"Okay... uh... Saf." Sabi ko.

Pagpasok namin sa loob, nagulat ako sa nakita ko. Akala ko plain construction, hindi pala. Bahay nga talaga siya. Pinaupo ako ni ... Saf... sa sofa.

"Wait here. Kukuha ako ng pagkain." Sabi niya at pumunta sa kusina. Napatingin naman ako sa lalaking may buhat na babae. Pumasok siya sa isang kwarto at nilapag siya sa kama. Akala ko tatanggalin niya ang mask, hindi pala.

Lumabas siya ng kwarto at sinara ang pinto. Napatingin siya sa akin. Hindi din niya tinanggal ang mask niya.

"You're lucky the Han mafia's princess has a plan always." Sabi niya at dumiretso sa kusina.

Han Mafia? Princess? Ibig sabihin yung anak ng leader ng mafia na yun ang nagplanong sagipin ako. Pero, ano namang kinalaman ko sa mafia?

"Wala ka talagang alam tungkol sa buhay mo?" Napatingin ako sa nagsalita. Yung lalaki. Umupo siya sa kabilang sofa. Umiinom siya ng coke. "Alam mo ba kung bakit namatay ang nanay mo?"

Dahil sa sinabi niyang yun, lahat ng atensyon ko ay napunta sa kanya.

"Naaksidente si mama. Yun ang alam ko." Sabi ko. Ngumisi siya.

"Your mother was murdered." Parang tumigil ang buong mundo ko sa narinig ko. "By that man's father, Fuego."

"Anong kinalaman ko sa mafia?"

"Ang papa mo ay miyembro ng Fuego mafia dati. Pinagkatiwalaan siya ng mga Fuego. Siya ang naging opisyal na trainer para sa paghawak at gamit ng mga armas. Siya na rin ang supplier ng mga armas, business niyo yun diba?" With what he said, nag exhibition siya gamit ang baril na hawak niya at hinagis ito sa akin. Muntik ko pang hindi nasalo. "Basahin mo. Sa may trigger."

Fuego-Guevarra Alliance

 

"Sa isang misyon, namatay ang pinsan ng papa ni Fuego. Faulty weapon. Pinagbintangan ang papa mo." Napatingin ako sa kanya. Nilapag niya ang lata ng coke sa mesa. "Sabi ng papa mo na hindi sa kanya galing yung armas na ginamit. Pinatawad siya ng mga Fuego. Pero hindi naniwala si Fuego kaya naman gumanti siya at pinatay ang mama mo." Naikuyom ko ang mga palad ko.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon