8th Stamp

476 10 0
                                    

8TH STAMP

 

 

 

 

"Louisse, nakarating na tayo." Sinubukan ko siyang gisingin. Hindi lang ako makaalis sa posisyon ko kasi nakasandal siya sa akin. Sinubukan kong gumalaw nagbabakasakaling maalimpungatan siya kaso wrong move.

Her face was now inches away from mine. Sa ganitong posisyon, napansin ko ang maamo niyang mukha. Makinis. Maputi. Kulay pink ang labi at matangos ang ilong. Gumalaw siya. Akala ko magigising pero hindi pala. And now I am in danger. Napakalapit ng labi niya sa labi ko.

"Louisse, gising na." Halos walang lakas kong sabi. Dahan dahan siyang dumilat at mukhang nabigla siya sa naging posisyon namin kaya naman napaupo siya ng maayos.

"Ano... S-salamat. B-babalik ako mamaya sa resort. Pakisabi kay Benj." Sabi niya at bumaba na ng kotse ko. Pumasok na siya sa bistro.

Ano bang nangyari sa akin? Naipasa ba sa akin ang heart history ni dad? Awsh. Pumasok ako sa bistro. Kilala naman rin ako dito. Ito lang ang nag-iisang first class bar na open sa lahat. Ibang klase ang manager eh.

"Oh, Luke! Buhay ka pa pala?" Napalingon ako sa counter. Siya yung manager dito.

"Oh. Manager! Gwapo pa rin naman." Sagot ko. "Siya yung bago mo diba?" I was refererring to the girl in front. Halata namang si Louisse yun. Inaayos niya yung gitara at mic. Nakabihis na rin siya. Nakaskater skirt siya ng camouflage print, white inner na sleeveless at black leather vest. Yung sapatos niya parang combat na pambabae. She looks good. Nakaeyeglasses nga lang.

"Goodevening po!" Bati niya sa mic na nakangiti. Mahahalata mo sa crowd na gustong gusto nila si Louisse. "Tonight, hindi ako nakagawa ng listahan dahil may ginawa po ako. I don't know if it's a good or bad thing. On-the-spot po ako ngayon. Give me a song, isearch ko saglit yung chords then I'll perform. Okay lang po ba?"

 

 

"Syempre!"

"Basta ikaw!"

"Better!"

They really like Louisse huh. Umupo ako sa upuan sa counter at umorder ng martini. Humarap ako sa stage para panoorin si Louisse. Is she gonna sing?

"She's really good." Tumabi si manager sa akin.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon