CHAPTER 12

500 61 24
                                    

OLIVER'S P.O.V

Dahan-dahan akong pumasok sa silid kung saan nakalagak si Harl. Bumungad sa'kin ang isang nurse at tila'y nagulat siya nang ako'y makita.

"O, nandyan na ho pala kayo, Mr. Oliver," bungad niya habang nakangiti. "Gusto ko lang po ibalita sa inyo na pwede na pong lumabas ng ospital si Ms. Harl."

Pineke ko ang aking ngiti at sinulyapan siy Harl na noo'y nakahiga pa rin habang ako'y pinagmamasdan.

"Maiwan ko na po muna kayo," ani ng nurse at lumabas ng kwarto. Dahan-dahang umupo si Harl sa gilid ng kama at lumapit ako sa kanya.

"Ba't ganyan ang pinta ng mukha mo? Hindi ka ba masaya na makakalabas na 'ko?" Pagtataka niya sabay hinawi ang aking buhok. "Saan ka nga pala galing?"

Huminga ako nang malalim habang nakatulala sa isang direksyon. "Totoo nga 'yung sinabi mo," mahina kong sambit at tumitig sa kanya.

"Ang alin?"

"Na si Nate nga ang namatay sa silid na 'yon."

Natigilan sya sa paghawi sa'king buhok.

"Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa nurse station. I asked the name of the person who died in that room yesterday, and the nurse told me na 'Nathan Jace Kingscott' ang pangalan nito."

Bumuntong-hininga akong muli at saka nalihis ang tingin sabay napailing. "I can't still believe what happened, pakisampal nga 'ko para magising ako sa katotohanan, baka nananaginip lang ako."

"I told you na totoo ang lahat, Oliver... that multiverse exist dahil ako mismo, nakarating do'n," aniya. "Siya ang dahilan kung bakit ako napadpad doon."

Pinagkaskas ko ang aking mga palad at tila'y hindi mapakali.

"I'm afraid that he'd something wrong to you habang nandoon kayo, and I'm afraid too na baka hindi na ito ang totoong mundo dahil nangyayari na ang mga imposible." Tumatagaktak ang pawis ko at nanlalamig ang mga palad at talampakan.

Umiling s'ya at hinawakan ang aking kamay.

"Makinig ka muna sa'kin. Don't worry, wala syang ginawa sa'king masama. Pero marami siyang isiniwalat."

Pinilit kong ikalma ang aking sarili sa kabila ng kalituhan na bumabalot pa rin sa'king isip.

"The lies of him are true. Pinalabas n'ya noon na patay na siya para kaawaan natin s'ya, pero ang katotohanan ay lumabas din sa kanyang sariling bibig," saad niya. "Kinain siya ng kalungkutan magmula noong nagkasala tayo sa kanya. Ngunit hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit niya ako dinala sa alternate reality..."

I saw her tears running off her eyes.

"Nagulat talaga ako noong ipinakita niya sa'kin ang magiging kapalaran n'ya sa hinaharap sa tulong ng imbensyon ng kanyang ama, ang makina na siya ring nagdala sa'min sa mundo na iyon. Ang pangyayaring pinakita n'ya sa'kin ay ang pangyayaring nasaksihan natin kahapon – ang pagkamatay n'ya. Gusto niya lang daw ako makasama sa mga huling oras n'ya..." salaysay niya pa.

Niyakap ko siya nang mahigpit at ipinaramdam sa ka'ya na ayos lang ang lahat. "Ayos lang. No need to explain and I'm sorry if I didn't believe you since the beginning," mahina kong ani habang yakap-yakap ko siya.

"I understand. Alam kong mahirap paniwalaan, but you still trust me... thank you."

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at ngumiti.

"Naiintindihan ko dahil nagmahalan din kayong dalawa nang mahabang panahon. Nawala man siya, pero may parte pa rin siya sa puso mo na hindi na mawawala kailanman." wika ko.

Gumaang ang aking kalooban habang unti-unti ko nang naiintindihan ang lahat.

"It takes time for us to find the real one, at isa siya sa naging daan para magkasama tayong muli, and I'll be forever grateful to him because of that," sabi ko at tumingala. "Maybe he let himself be a bridge para patawirin at pagtagpuin tayong dalawa even if it's hard for him to do so. I know he's a good man at alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon."

Tumitig ako sa kanyang mga mata, alam kong napalitan na ng saya ang kanyang mga agam-agam. Pinunasan n'ya ang bakas ng luha sa kanyang mukha.

"Gumaang ang loob ko dahil alam kong naiintindihan mo na ngayon, akala ko kasi magagalit ka kaya nagdadalawang isip akong sabihin sa'yo ang totoo."

Gumuhit ang ngiti sa'king labi. "Sa tagal natin, ngayon pa ba ako magagalit sa'yo? Kailanman hindi ako nagtanim ng galit sa taong mahal ko at ikaw 'yon, Harl. Hangga't kaya ko, palagi kitang iintindihin kahit pa mahirap paniwalaan ang ibang bagay."

Niyakap namin ang isa't isa. Pumikit ako at nakahinga nang maluwag.

***

Ngayon ang araw nang paglabas niya sa ospital, isang ordinaryong araw ang sumalubong sa'min. Ang mga nurse at doctor ay walang pagod at walang sawang tumutulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng kanilang tulong kahit na sila mismo'y pagod na at kailangan ng pahinga.

Magpasalamat tayo sa kanila at atin silang saluduhan dahil inilalaan nila ang sarili nilang mga buhay upang mailigtas ang buhay ng iba, sa panahon kung saan walang kasigurahan at hindi alam kung sino ang mapagkakatiwalaan.

Habang papalabas kami ng ospital ay biglang siyang huminto at pinagmasdan ang isang silid, napagtanto ko rin 'di kalaunan na ang silid na ito ay ang pinaglagakan ni Nate sa kanyang huling sandali. Bakas pa rin ang lungkot sa mukha ni Harl dahil alam ko kung gaano kasakit ito para sa kanya, dahil alam kong minahal n'ya rin si Nate nang lubusan.

Hinayaan ko na muna siyang alalahanin ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa kahit sa ilang saglit, sa huling pagkakataon.

Kahit sino naman ay masasaktan kapag nalaman nilang wala na ang taong minsan nilang minahal. Minsan hindi dahil sila'y lumisan kun'di nakahanap na ng bagong taong nagbibigay saya sa kanila.

Pinagmasdan ko rin ang loob ng silid na tinitingnan niya, tila'y nakikita ko rin ang kanyang nakikita. Nakikita ko ang multo ng paghihirap ni Nate bago s'ya lagutan ng hininga.

Tumingin siya sa akin at pinunasan ang kanyang luha, tumangosiya hudyat na oras na para umalis.

May mga lugar talaga sa buhay natin na palagi nating binabalik-balikan dahil may mga alaala rito na naiwan, mga alaala na kapag binalikan ay nagbibigay saya sa'tin kahit na ito'y kasama ang isang taong maaaring matagal nang wala sa buhay natin. Kung baga, nariyan pa ang mga alaala. Ngunit 'yung tao, wala na.

"It's time for a new beginning, oras na para umabante," nakangiti kong sambit habang nakatingin sa malayong nararating ng aking paningin pagsakay namin sa'king sasakyan.

I saw her smile. Shehold my hand then we drove away.

When Our Heavens CollideWhere stories live. Discover now