CHAPTER 16

395 41 3
                                    

HARLEY'S P.O.V

Biglang yumanig ang kama kaya't nagising ako. Napatingin ako kay Oliver na nanlalaki ang mga mata at hinihingal.

"Anong nangyari?" Pag-aalala ko.

"B-buhay si Nathan," hinihingal n'yang sambit. "N-nagbalik siya."

Huminga ako nang malalim at hinaplos ang kanyang kamay.

"It was just a dream. Iniisip mo kasi na magkapatid kayo bago ka matulog," wika ko. "Ang dami-daming may apelyidong Kingscott sa mundo!"

Hinihingal pa rin siya at pinagpapawisan.

"P-pero parang totoong-totoo ang panaginip ko," saad n'ya. "Hindi kaya dinala n'ya na naman tayo sa ibang dimensyon?" Sabay titig niya sa'king mga mata.

Kumunot ang aking noo.

"Imposible. Nasaksihan natin ang pagkamatay niya," ani ko at napalunok. "He's already dead."

"Kailangan natin makasiguro," seryosong bulong n'ya habang desperadong nangungusap ang kanyang mga mata. "We also need to find out kung talagang magkapatid nga kami."

"If you are sure na adopted ka. You have to talk with your parents."

Umiling siya at inilihis ang tingin. "Ayoko na muna silang makausap dahil hindi ko pa tanggap," wika n'ya sabay hinga nang malalim.

"Naiintindihan ko. Pero sila lang din ang makakasagot ng mga katanungan mo," sabi ko.

"I know. Pero may isa pang paraan..."

Muli siyang tumitig sa'kin dahilan upang ako'y mapaisip. "Ano 'yon?"

"Balikan natin 'yung lumang mansyon nila Nathan, baka nandoon pa ang kanyang ama," aniya.

"P-pero matagal nang wala ang kanyang pamilya ro'n. Isa pa, may iba ng pamilya ang papa n'ya," saad ko.

"Hindi ako kumbinsido sa mga sinabi n'ya sa'yo. Malay mo bumalik-balik pa ang ama n'ya ro'n?"

Napabuntong-hininga ako.

"Para magkaroon tayo ng assurance at peace of mind, pumunta tayo sa mansyon na 'yon," dagdag n'ya pa.

"Sige," tugon ko na lang. "Para ikapapanatag ng kalooban mo. Sasamahan kita."

Agad kaming nagtungo sa dating mansyon nila Nathan lulan ng kanyang sasakyan.

"Sana ay makuha natin ang kasagutan," aniya pagbaba ng kotse habang pinagmamasdan ang harapan ng mansyon. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay may lumabas na maid mula sa loob nito.

Sinalubong siya ni Oliver, nasa likod n'ya naman ako.

"Hi, sir! Ano pong kailangan n'yo?" Magalang na tanong ng maid.

"We are looking for Mr. Kingscott," ani Oliver.

"Mr. Kingscott?" Pagtataka ng maid.
"Sorry, sir. P-pero wala po akong kilalang Mr. Kingscott..."

"Siya po ang dating may-ari ng mansyon na ito," sabi ko.

"May iba na po kasing nakatira rito ngayon," sagot n'ya. "Hindi ko rin po alam kung nasaan na 'yung dating may-ari."

May biglang dumating na sasakyan at may bumaba na isang lalaki.

"S-sir?... sir?" Lumapit sa lalaki ang maid. "May naghahanap po kasi kay Mr. Kingscott, sila po..." Sabay turo n'ya sa amin.

"Kingscott?" Pagtataka rin ng lalaki.

Lumapit siya sa amin. "Sino nga po ulit ang hinahanap n'yo?"

"Si Mr. Kingscott... 'yung dating may-ari ng mansyon na ito," ani Oliver.

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon