CHAPTER 4

405 46 2
                                    

Noong gabing iyon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Oliver.

Aaminin ko na sa tagal naming pag-uusap, hindi ko maiwasang magkagusto sa kanya. Pero sa tuwing nararamdaman ko 'yon, iniisip ko si Harl. Iniisip ko na magagalit s'ya kapag nalaman n'ya 'to. Iba rin kasi si Oliver sa lahat ng lalaking nakilala ko, wala man sa kanya 'yong mga hinahanap ko sa isang lalaki ay nararamdaman ko naman 'yung pagmamahal at alaga n'ya, lalo't kaming dalawa na lang ang nag-aalaga kay papa.

Kinaumagahan, pagbukas ko ng pinto ng aking silid, nakita ko siya na may dala-dalang mga gamit.

"Sa'n ka pupunta?"

"Aalis na ako," tugon niya. "W-wala na rin namang dahilan para mag-stay pa 'ko rito, kinuha ko lang 'yong mga gamit ko."

"P-pero hindi mo naman kailangang gawin 'yan," wika ko.

Lumabas ako ng aking silid at isinara ang pinto.

"Kailangan ko 'tong gawin dahil ayoko nang makagulo pa sa mga iniisip mo at sa pamilya n'yo," aniya. "I thank you for everything, Audrey. Pero hindi ko naman basta-basta puputulin ang koneksyon natin. My house is nearby, if you want someone to talk to, just tell me."

Habang bumababa s'ya sa hagdanan ay hindi ko mawari ang susunod kong sasabihin.

"M-mahal kita," sambit ng aking bibig. Kumaripas ang tibok ng aking puso dahil sa 'king nasabi.

Natahimik ang paligid at bigla siyang huminto. Muli siyang humarap sa 'kin, tinitigan n'ya 'ko at siya'y unti-unting ngumiti.

"Talaga?"

Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan siyang pumanhik at lumapit sa akin.

Tumango lamang ako. Hindi ako makasagot dahil may alinlangan pa rin akong nararamdaman na tila ba'y nagkasala ako sa aking kapatid. 

Tumakbo ako at pumasok sa 'king silid. Sinampal ko ang aking mukha.

Hala! Ano ba 'tong pumasok sa isip ko, bakit ko 'yon sinabi?

Kinakamuhian ko ang aking sarili habang malakas pa rin ang kabog ng dibdib at pinagpapawisan.

Umupo ako sa gilid ng kama nang bigla n'yang buksan ang pinto. Nakita ako ni Oliver na nanginginig sa kaba at nagkunwaring ngumingiti.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"You don't have to be afraid, Audrey. I'm so happy," aniya.

"Alam mong mali ito. Paano kung malaman ni Harl. Paano kung bumalik s'ya kung kailan tayo na?" Pag-aalala ko.

Yumuko lamang s'ya at alam kong may bumagabag din sa kanya.

"Minahal ko siya. Pero ayokong habang buhay na maghintay kung babalik pa ba s'ya o hindi. I also want to be happy" saad n'ya. "Sa mga nagdaang taon, tinanggap ko na... na baka ganito talaga ang nakatadhana para sa amin. Naputol ang kwento namin, pero gusto ko itong ipagpatuloy sa 'yo, kasama ka."

Humiga siya sa kama. "Tara rito sa tabi ko," aniya.

Tinabihan ko s'ya at nakita ko na lang ang sarili kong nakayakap na sa kanya.

Pero habang nakayakap sa kanya, iniisip ko kung tama ba ito o naging panakip butas lang ako sa kanyang nararamdaman. Pero sa kabilang banda, iniisip ko rin na ayokong mag-isa, takot akong mag-isa. Kaya natulog kaming magkayap na dalawa.

Magmula noon, habang dumadaan nang mabilis ang panahon, tinanggap ko s'ya nang buong-buo sa puso ko. Naging masaya kami at ipinakita n'yang hindi s'ya nagsisisi na sa 'kin ipagpatuloy ang naudlot nilang kwento ng aking kapatid. 

When Our Heavens CollideWhere stories live. Discover now