CHAPTER 9

562 91 66
                                    

HARLEY'S P.O.V

Nasa harapan na kami ng mansyon nila Nate.

Malakas ang hangin, nagbabadya ang pag-ulan, maririnig ang dumadagungdong na kulog galing sa mga kidlat na gumuguhit sa kaulapan.

Huminga ako nang malalim.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo," pag-aalala ni ate.

Tumingin ako sa kan'ya at tumango. "Kung ito lang ang paraan para maging maayos ang lahat, gagawin ko."

"Basta mag-iingat ka." Niyakap niya ako.

"Pero sigurado ka bang si Nate talaga 'yon?... what if may kakambal s'ya na nagpapanggap bilang siya?" Usisa ni Oliver.

"You have a point," sabat ni ate.

"No. Kung meron s'yang kambal, dapat matagal ko nang nalaman," sabi ko.

"Sa bagay, tama ka," sang-ayon ni ate. "Basta mag-iingat ka, ah.”

Habang nakayakap sa 'kin si ate, nagkatinginan kami ni Oliver, ngumiti siya.
Tinapik ko ang likod ni ate at bumitaw na s'ya sa pagkakayakap.

I'm about to ring the door bell nang biglang bumukas ang gate at bumungas si Nate. Nakasuot ng puting longsleeve na polo na halos magpantay na sa kulay ng kaniyang balat, itim na pantalon at sapatos.

"Nate?..." Hindi makapaniwalang bulong ni Oliver. "Ikaw nga."

Ngumisi si Nate. "Oo, ako nga."

"P-pero hindi ba't patay ka na?" Pagtataka ni ate.

"No. Maybe I hid, but my love for Harl will never die, forever," sambit niya.

"Aqyokong gawin 'to, pero ikaw Oliver ang dahilan kung bakit ko 'to nagawa," dagdag niya pa habang nakatitig kay Oliver.

"Gumaganti ka ba?" Tanong ni Oliver. "That was the past, Nate. May asawa't anak na 'ko kaya tigilan mo na ang kagaguhan na 'to!"

"I won't." Sambit ni Nate at dahan-dahang lumapit kay Oliver.
"Remember how you left her alone? No'ng hindi ka niya mahagilap, ako ang nandyan para sa kan'ya, ako ang sumalo sa kan'ya!"

"Tama na 'yan!" Awat ni ate, pero nagpatuloy pa rin sa pagsasalita si Nate.

"I gave her all. Pero no'ng dumating ka, sinira mo ang lahat," pangigigil ni Nate. "You're a destroyer!"

"And you're replaceable!" Sagot naman ni Oliver. "You're just an escape dahil ako ang nauna."

"Just like what you did to Audrey?"

Nakita kong kumunot ang noo ni ate.

"Huwag mo ritong idadamay si Audrey!" Sigaw ni Oliver.

"Tumigil na kayo," awat ko sa kanila. "Walang magandang idudulot 'to."

"Tandaan mo Oliver na mas matimbang pa rin ang totoong nagmahal kaysa sa nauna," sabi ni Nate.

"Pero mas tumatak ako sa puso n'ya," sabay ngisi ni Oliver. "Wala kang alam sa pinagsamahan namin ni Harl noong mga bata pa kami."

"At wala ka ring alam kung gaano ko minahal si Harl noong wala ka sa tabi n'ya. No'ng nag-iisa s'ya," sagot ni Nate. "Naduwag ka, Oliver. Ikaw ang naging dahilan kung bakit naging malungkot siya nang mahabang panahon. Hindi mo sinabi sa kan'ya ang totoo mong nararamdaman," dagdag niya pa habang nakatitig nang masama kay Oliver.

"Hindi lang ako ang naduwag, Nate, ikaw rin. Nagtago ka nang mahabang panahon, at nang naging kami ni Harl, bumawi ako sa kan'ya," saad ni Oliver. "Sinabi ko sa kan'ya ang dahilan kung bakit bigla akong umalis, at pinunan ko ang mga taong lumipas."

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon