CHAPTER 2

1K 154 78
                                    

Makapigil-hininga ang mga sumunod na nangyari. Nanlaki ang aking mga mata, ang mga bagay sa paligid ay tila ba'y tumigil. Napapikit na lamang ako kasabay nang pag-ihip ng malakas na hangin.

Natahimik ang buong paligid, makina na lang ng sasakyan ang maririnig. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, nakita kong bumaba ang isang lalaki mula sa truck.

"Tumabi ka!" bulyaw n'ya. "Ano ba kasing ginagawa n'yo at hating gabi na nagtatakbuhan pa rin kayo sa daan? Tingnan mo, muntik pa kitang masagasaan!"

Sa sandaling iyon ay para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

"P-pasensya na po," paghingi ng paumanhin ni Oliver na bakas pa rin ang takot at nerbyos sa mukha. Bumuntong-hininga ako at kumalma kahit papaano. Sumakay na sa truck ang lalaki at nagmadaling umalis.

Nahimasmasan ako at naupo sa isang putol na troso, hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa dalampasigan, ang tabing dagat kung saan kami nagkakilala, kung saan kami naglalaro noong mga bata pa kami, ang lugar na una naming pinuntahan noong bumalik siya, at ang lugar na saksi sa lahat ng sakit na hindi kayang sabihin ng bibig.

Ito ako ngayon, nakatayo sa madilim na dalampasigan na ilaw lamang ng buwan ang pinagmumulan ng liwanag, pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin, gulong-gulo ang isip sa mga nangyayari na tila ba ako'y nananaginip.

"Sorry," mahinang banggit niya habang nakatayo sa likuran. Napapikit na lang ako kasabay ng pag-agos ng luha mula sa'king mga mata.

"Akala ko kasi hindi ka na babalik..."

"Hindi ko man maintindihan, Oliver. Pero bumalik ako! Sana hinintay mo 'ko tulad ng paghintay ko sa'yo noon," ani ko. "Nahintay kita noon kahit walang kasiguraduhan na babalik ka pa. Pero bakit ako, hindi mo nahintay?"

Humarap ako sa kanya.

"Saksi ang lugar na 'to sa pagpili ko sa'yo. Saksi ang lugar na 'to kung paano ako nakasakit ng tao! At saksi ang lugar na 'to sa panloloko mo, sa panloloko n'yo!"

"20 years kang nawala, Harl. Kahit ako h-hindi ko rin naiintindihan ang mga nangyayari ngayon," naipailing siya.

"Mahirap mang maintindihan, mahirap mang ipaliwanag. Pero naghintay ako sa'yo nang mahabang panahon," aniya.

"Noong lisanin ko ang lugar na 'to, alam mong nag-aral ako at alam mong buhay ako. Pero noong umalis ka at nalaman kong nawawala ang eroplanong sinakyan n'yo, hindi mo lang alam kung gaano ako nadurog nang sobra, na halos hindi na ako kumain, na halos mawalan na ako ng pag-asang ipagpatuloy pa ang buhay na 'to."

Tinabihan niya ako at tumingin sa pinakamalayong natatanaw ng kan'yang mga mata. "Halos araw-araw rin akong nagpupunta rito, umaasang babalik ka pa tulad ng paghintay mo sa'kin noon."

Huminga siya nang malalim.

"Pero dumating 'yung araw na... naisip kong kailangan kong ipagpatuloy ang buhay. Sorry, but I hope you understand that I need to live and have someone to love and to be loved," saad n'ya. "Kinailangan kong tuparin ang mga pangarap ko, mga pangarap natin..."

"Mga pangarap natin na itinuloy n'yo ng ate ko?" Sambit ko. "Hindi mo ba alam kung ga'no kasakit 'yon?! Napakaraming babae sa mundo. Pero bakit siya pa?"

"I know it shattered your heart into tiny pieces. I wish I would've known that there's a possibility like this. No'ng nawala ka, siya ang umagapay sa'kin, siya lang ang nandyan for me," paliwanag niya. "I was devastated that time, I chose to love than to lose myself."

Pinunasan ko ang aking luha at saka huminga nang malalim.

"Alam kong mahirap pang intindihin sa ngayon. You have to rest for now, bumalik na tayo sa bahay at doon tayo mag-usap," saad niya.

When Our Heavens CollideWhere stories live. Discover now