CHAPTER 3

1K 135 89
                                    

My name is Audrey Blair Bartram, Harley's sister.

They said I'm boring and ordinary kaya no'ng mga bata pa kami ni Harley ay lagi akong nabu-bully. Tahimik lang ako at hindi lumalaban.

Tanda ko pa kung paano niya ako ipinagtatanggol sa mga nambu-bully sa'kin noon. Ate n'ya 'ko. Pero mas matapang at malakas ang loob n'ya kaysa sa 'kin. Nagpapasalamat ako na may kapatid akong tulad n'ya.

Sa tuwing uuwi ako ng bahay galing sa school, nagkukulong ako sa kwarto at doon ko sinisigaw lahat ng sama ng loob ko, para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na dinadala ko. Ang hirap 'no? You have to pretend that everything's okay even you're already dead inside. Ang hirap magpanggap na masaya kahit hindi naman talaga. You have to keep it kahit sobrang sakit na dahil pakiramdam mo ay wala namang makakaintindi.

Si Harley ang palaging nagpapalakas ng loob ko, when everything is falling apart, she's always there. She's not just my sister, she's also my bestfriend.

Hindi naman sa pagmamalaki. Pero maraming nanliligaw sa 'kin noong high school pa kami. Ngunit natatakot akong magtiwala sa mga tao dahil sa mga naranasan ko noong bata pa 'ko. I'm that kind of person seeking for love in this cruel world, but when it comes, I keep rejecting it.

I always do.

May isang beses na sinubukan ko. I thought I will find my happiness in a person, pero hindi. Marami talagang tao na sa una lang magaling. Pero kapag nakita na 'yung flaws mo, 'yung imperfections mo, iiwan ka na. They're leaving, kung minsan gagawin nila ang lahat para ikaw na mismo ang bumitaw.

Teka, ba't nga ba tayo nagmamahal kung takot naman tayong sumugal? Dahil ba takot tayong masaktan ulit?

If I have a diamond heart, I'll give all my love if I was unbreakable. Naniniwala ako na binibigyan tayo ng isang tao para mag-iwan lang ng lessons sa buhay natin, at kapag hindi pa tayo natuto, bibigyan ulit tayo ng universe ng panibagong tao na may dalang kaparehong sitwasyon. Ganon naman talaga, kapag naulit 'yung dati nating pinagdaanan, saka palang tayo magigising sa katotohanan at may matututunan.

Kaya't natuto na lamang ako maghintay. Alam kong may darating rin na tunay na magmamahal sa 'kin at tatanggapin ako nang buong-buo. Naniniwala ako na darating ang isang tao kung kailan kailangan na natin.

I never tell my problems to anyone, mas gusto kong sarilihin na lang dahil alam kong hindi rin naman nila maiitindihan. Natuto akong kimkimin ang mga problema ko.

I have anxiety disorder, nabuo iyon dahil sa mga post-traumtic events na pinagdaanan ko mula sa pambu-bully at pati na rin sa failed relationships. Mahirap sa una, pero habang tumatagal nasasanay na rin ako.

I'm learning to do what makes me happy, bumabalik na rin ang saya ko tulad ng dati, I'm doing better.

Pero isang araw pumunta si Harl sa kwarto ko at may ibinalitang hindi ko alam kung ikasasaya o ikalulungkot ko.

"ATE! ATE" Nagmamadaling tawag niya sa 'kin at umupo sa tabi ko.

"Bakit?"

"Siguradong matutuwa ka sa ibabalita ko sa 'yo!" Nagagalak niyang saad.

"Buntis ka na?" Biro ko.

"Anong buntis? Eh, takot nga ip*tok ni Oliver sa loob ko."

Naghalakhakan kaming dalawa.

"O, sige. Ano ba kasi 'yang ibabalita mo sa 'kin at napakalaki ng ngiti mo."

Natahimik siya at nakita ko ang ngiti sa labi niya. "Mag-a-abroad na ako. Doon na ako mag-wo-work!"

Ang matamis kong ngiti ay unti-unting naglaho. I was saddened when I heard that. Yumuko ako at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"B-ba't parang nalungkot ka? Hindi ka ba masaya, ate?"

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon