Chapter 2

23 0 0
                                    


nakalutang ang kanyang ulo habang ang kanyang buong katawan ay nakalubog na lahat sa tubig." papalubog na sana yun ng bigla siyang hilahin ng kung sino,hinawakan siya nito sa bewang at lumangoy pabalik sa pangpang,ng makarating na sila sa buhanginan nagpupumiglas siyang bitawan siya nito."

Bitawan mo ako, ano ba!

PAK! 

Sinampal siya nito sa muka, habang hawak ang isa niyang balikat, at inalog alog iyon, upang magising siya sa katotohan.'

gusto mo ba magpakamatay?" Huh! pasinghal nitong sabi sa kanya, habang nakatingin sa mga mata nito.

sinalubong niya ang mga titig nito  kahit pupungay pungay siya, nakita niya ito na basang  basa at pinagsawalang bahala niya lang yun.

Ano naman, ano naman ngayong kung gusto ko nga?! nakaramdam siya ng mainit na likido na umaagos sa kanyang pisngi, kahit basang basa siya alam niyang luha iyon, lagi nalang siyang ganito.

Kung magpapakamatay ka, dapat yung walang makakakita sayo."akala niya kaya siya nito pinigilan ay concern ito, pero mali pala siya, nakita lang pala siya nito,at siguro nakonsensiya kaya siya tinulungan at inahon sa tubig.

Sana, hindi mo nalang ginawa, sana kahit nakita mo ako, hinayaan mo nalang akong mamatay! umiiyak niyang sabi.

Bakit may magbabago ba?"mababawasan ba lahat ng problema mo pag ginawa mo yun?!

kanina pa siya nito sinisigawan at pinapagalitan knowing na hindi niya pa ito kilala, nanlalabo rin ang mata niya kahit titigan niya pa ito ng malapitan, tila ba umiepekto na ang alak na ininom niya kanina,kaya ganto ang pakiramdam niya ngayon."

ngumisi siya at tumawa.

Ano bang pakielam mo, kung ang mundo nga hinayaan akong mamuhay ng ganito, paulit-ulit akong pinapatay, araw-araw akong nabubuhay, at paulit ulit lang bumabalik ang lahat!."

Lumaban ka, wag mo hayaan na lamunin ka ng lungkot at galit mo."malumanay nito sabi, at tila ba may pakielam na ito sa kanya.

hahaha... tumawa siya na parang wala sa sarili at muling tumingin sa kanya.

Hanggang kailan?"-aniya

Nasasabi mo yan kase wala ka sa kalagayan ko, hindi mo alam kung gaano kasakit , tinuro niya ang parte ng puso niya at muling nagsalita...ang mawalan, huh!kaya ano pa, ano pa ang dapat at hindi ko dapat gawin?! tanong niya dito, ngunit nanatili lamang itong tahimik habang awang awa ang mga mata nakatingin sa kanya." kaya paraan saan pa, nawala na sakin ang lahat, kaya kahit mamatay ako, wala ng mawawala pa sakin ngayon.

mahina at puno ng sakit ang mga binitawan niyang salita hanggang sa tinalikuran niya na ito.

ganun nalang ba kadali tapusin ang buhay mo?' -ani nito

hindi niya alam kung sasagutin ba ng dalaga ang tanong niya dito,dahil wala ngi isang salita ang narinig niya habang nakatalikod ito sa kanya.'

Oo."wala sa sarili nitong sabi.

hindi niya na ito narinig pang nagsalita at naglakad na siya paalis."

habang patuloy ang pag'agos ng luha sa mga mata niya,humampas ang malakas na hangin, at naramdaman niya ang lamig  sa buo niyang katawan at damit, hinayaan niya lang patuloy lang siyang naglakad ng naglakad, kahit na nakakaramdam na siya ng hilo at parang lumulutang ang paligid niya, ilang hakbang pa hanggang sa tuluyan na siyang natumba siya at mawalan ng malay."

Wine! wake up... wine please wake up!" God!

inalog alog siya nito, pero wala na itong malay, hanggang sa buhatin siya nito at dalhin sa kanyang sasakyan.

hindi ko maimulat ang aking mga mata, hindi ko alam kung nasan naba ako ng mg panahong ito.

fuck! anong gagawin ko?'  i ask myself, nagaalala ako na baka kung anong mangyari sa kanya, habang napatingin ako sa gawi nito.'

i can't blame her, for almost a year, i know that she's not fully recover, masyadong masakit sa kanya ang mga nangyari.'

dalawang araw na ang lumipas simula ng makita ko siya ulit, paano niya nagagawang makipag-away at maglasing gayong may sakit siya?" ibang klase.'

habang pinagmamasdan ko siya ngayon, parang hindi siya yung babaeng halos gagawin ang lahat makapasok lang sa lugar na yun.

hindi mo ba ako nakikilala?' it's been a year simula ng manatili ako sa Australia, and then pagkauwi ko dito ikaw ang gusto kong puntahan agad at kamustahin, but sad to say na hindi ko magawa, lagi kitang tinatanaw kung nasaan ka, kahit hindi mo naman ako nakikita.'

i always wanted to be with you,kahit alam kung hindi pwede, then after this, i saw you again...dinudurog ang puso ko, kapag nakikita kitang nagkakaganyan.

magpakatatag ka Wine please, kahit na wala na si tito at tita, you will always have me,please fight for yourself."

hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, habang hawak hawak ko ang kamay niya at pinagmamasdan siya habang natutulog, bakas sa muka nito ang lungkot at pighati kahit nakapikit ito.'


What do you think on the next Chapter?"

Don't forget to follow me and click the small star to VOTE and comment below."

thank you."

lovelots."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fire Fighter The hidden IdentityWhere stories live. Discover now