I was about to approach her nang mukhang tila tumunog ang telepono niyang de-keypad at sinagot niya iyon habang ngumunguya pa, bago niya iniligpit ang kinakain at ang ibang gamit niya saka niya inilagay sa loob ng bag niya.

      

"Oh, Olga?..... Gano'n ba?..... Sige.... Sige.... Oo.... Andiyan na."

         

Naka-alis na siya nang tumungo ako sa pinaggalingan niya at may nakita akong isang maliit na notebook. Dinampot ko iyon at binuklat. Hindi na ako nagtakha na diary ito. Nasa itsura niya ang mahilig magkimkim ng iniisip at isusulat lamang ang mga nararamdaman.

         

Inilagay ko ang notebook na iyon sa loob ng bag ko saka ako nagdesisyon na tumungo na muna sa sasakyan ko at doon matulog.

          

         

        

   

PASADO alas nuebe na ako nakarating sa bar na sinabi ni Russell. Hindi dahil sa ayaw ko, kung hindi dahil napahaba ang tulog ko sa sasakyan gawa nang nagbasa muna ako sa diary no'ng babae bago ako natulog. Alas siete na akong nagising at tumungo pa ako sa bahay namin upang maligo at magpalit ng damit.

       

"Aeignn!" Pamilyar na boses na nagpalingon sa akin at nakita ko sina Clarence, Davidson, Paolo, at Russell na nakaupo sa isang pabilog na pwesto at may mga babae na rin silang kasama.

            

Mauupo na sana ako malayo sa mga babae nang may babaeng biglang humila sa pulso ko kaya't napaupo ako sa tabi niya. Ayoko sa lahat ay hinahawakan ako, ngunit hinayaan ko na lamang iyon. Ayokong sirain ang gabi ng mga kaibigan ko.

            

"Hi, Aeignn. I'm Angelie," pakilala nito sa akin saka nag-abot ng kamay.

          

Inabot ko naman ang kamay niya para lang hindi siya mapahiya sa harap ng iba at tipid ko siyang nginitian. "Aeignn."

                  

"Gaaad! You're so timid. Ang layo sa mga nababalitaan ko sa'yo," anito sa akin saka pa ipinatong ang dalawang niyang kamay sa kanang balikat ko at ipinatong niya doon ang baba niya. Halos magkalapit na ang mga mukha namin at hindi ako komportable roon.

                      

"Actually, I'm the worst," walang emosyong wika ko rito at tinaboy ang kamay niyang nakadantay sa akin.

             

"Hehehe. A–Ano... Nagbibiro lang si Aeignn. Wala lang talaga siyang sense of humor," pagsalo ni Russell sa ginawa ko at nagtawanan na lamang sila.

             

Lumagok ako ng alak na nasa harap ko. Hindi ako pumayag sa set-up na ito para lamang makipag-usap sa mga ito. Mas pabor sa akin ang pag-inom.

             

Nakakailang baso palang ako nang maramdaman ko ang pagbaba ng pantog ko na lubos na nakakapagtakha. Nahihilo na rin ako na hindi dapat nangyayari. I have a high alcohol tolerance. This seems too impossible.

The Vicious Agent (Freezell #9) [Completed]Where stories live. Discover now