CHAPTER 5

2.8K 117 4
                                    

"Oh Delaney sabihin mo na. Bakit ka nakaturtle neck." Si Sydney habang hinuhabad ang jacket na suot at nilapag sa sofa sa loob ng room ni Delaney.

We're at the room of Delaney. Kinukwestion namin ito ngayon kung bakit sya nakaturtle neck.

Nakakapagtaka lang kasi.

"Delaney, wala ka bang pagkain dito?" Tanong ni Valkyrie habang naghahanap ng pagkain sa loob ng refrigerator ni Delaney.

Gutom na naman sya?

"Hindi ba kayo binigyan ng pagkain sa eroplano?" Takang tanong ni Yvette.

Pagkain? Bakit hindi ako nabigyan? Bakit wala akong alam na may pagkain palang binibigay ang eroplano?

"Sa tingin mo Yvette mabubusog na ako doon? Isang malaking tinapay at isang coffee? Seriously?!" Si Valkyrie sabay harap sa amin.

"Huh? Binigyan kayo ng pagkain?" Biglang usal ko habang nakakunot ang noo.

Wala kasi akong alam na may binibigay na pagkain, tulog ako buong magdamag kaya wala akong alam.

"Tulog ka kasi, ginigising kita kanina ayaw mo naman magising kaya sabi ko doon kay Tim na akin na lang 'yong tinapay.." Si Valkyrie habang hinihimas ang tiyan.

"Gutom ka pa rin? Dalawang bread na nga kinain mo." Puna ni Delaney.

"Oo." Simpleng sagot ni Valkyrie.

"Ah, ganon ba. Mamaya pa kasi dadating yung inorder kong pizza." Wika ni Delaney sabay yakap sa akin. Ako kasi ang katabi nya sa kama.

"Ilan?! Tatlo?"Excited na tanong ni Valkyrie sabay serado ng ref.

"Nah, apat ang inorder ko." Sagot ni Delaney.

"Yes! Yes! Pizza! I love pizza!" Parang bata na sigaw ni Valkyrie.

"So ano na Delaney? Sabi mo ngayon mo sasabihin." Pagbabalik ni Sydney sa topic namin kanina.

Agad na umayos sa pagkakaupo si Delaney.

"Ano kasi ish...nakakainis." Panimula nitong pagkukuwento sa amin.

Bakit siya naiinis? Anong nakakainis sa tanong ni Sydney?

"Ganito kasi 'yon." Usal nya sa kawalan at hindi kalaunan ay napailing. "Oh tingan n'yo." Pagsasalita na lang n'ya at medyo tinupi ang tela na tumatakip sa kaniyang braso.

Halos lumuha ang mga mata ko sa nakita. Halos mag-iba na kasi ang kulay ng balat nito mula sa dati nitong kulay. Medyo naging brown na ang kulay ng balat nya at kitang-kita na hindi pantay ang kulay ng mukha niya sa kulay ng balat niya sa braso. Wala namang masama kung maging maitim ka, normal lang naman sa isang tao ang umutim, pero para kay Delaney big deal na ito.

"Bakit ka nasunog?" Natatawang tanong ni Yvette.

"Eh, pa'no ba naman palaging nasa initan sino ba naman ang hindi iitim, diba?" Pabalang na sagot ni Delaney habang nakasimangot.

"Edi, maglotion ka." Satsat ni Valkyrie na parang hindi ito bigdeal.

"Kaya ka pala nakaturtle neck kasi naging chocolate na ang balat mo." Natatawang kutiya ko sa kaniya.

"Ah! Kaya pala ayaw mo pang umuwi kasi naging maitim ka." Pagco-conclude ni Sydney habang tumatango.

"Blah blah blah." Wika ni Delaney sabay takip sa kanyang dalawang tenga.

She's now murmuring something that we can't understand.

Parang biglang sumikip ang dibdib ko nang maalala ang sinabi sa akin ni Mommy. Napalingon ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay tahimik lamang at parang mga walang balak na magsalita.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora