CHAPTER 29

1.8K 62 1
                                    

Ang lahat ng taong andirito sa loob ng bahay ay may kan'ya-kan'yang ginawa. I'm busy mopping our floor, habang si Sergie naman ang nakatoka na sumundo sa mga magulang namin. Ngayon na kasi ang mga dating nila. Napahinto lamang ako sa pag-mo-mop nang may maalala ako. It's been a day since my four bestfriend left Zamboanga. Nakakamiss silang apat, ngayon na nga lang kami magkakasama, tapos aalis pa sila. Well, wala naman akong magagawa do'n, may kan'ya-kan'ya na kaming buhay at ang tangi ko lamang magagawa ay suportahan sila sa kanilang mga ginagawa. I'm happy and proud of them.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" I blinked my eyes twice when I heard Petty's voice. "Ako na lang po ang mag-mo-mop, Ma'am." Saad pa nito sabay hablot sa akin ng mop

"Ah! No ako na d'yan." Saad ko at hinablot ko pabalik ang mop sa kan'ya.

"Ma'am, ako na po. Trabaho ko po ito, hindi n'yo po ako binabayaran para lang tumunganga dito." Seryoso at may pinalidad ang boses ni Petty kaya wala na akong iba pang nagawa kundi ang ibigay sa kan'ya ang mop. Kaagad naman itong lumipad ng puwesto malayo sa akin.

Napaupo na lang ako sa sofa at suminghap ng hangin.

Ang boring.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Wala naman si Sergie dito, wala akong makakausap, wala rin ang mga kaibigan ko, walang maingay, tapos ngayon si Petty busy naman. Sino na lang ang kakausapin ko? Sarili ko? Eh, parang sira naman ako kung gano'n.

"Huh?" Usal ko sa aking sarili nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Agad ko itong kinuha at chineck kung saang app ito nanggaling.

"Huh? Diba pinatay ko ang data kanina." Naguguluhan kong aniya sa aking sarili nang makita na galing ito sa messenger ko. Kaagad ko itong binuksan.

"O My Gosh.." Mahinang bulalas habang ang mga daliri ay nagsisimula nang manginig at ang puso ko ay nagsisimula nang tumubok ng napakalakas. "Totoo ba ito?!" Hindi makapaniwalang tanong ko at medyo napalakas ang boses ko.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Petty na nagtatanong. Nakapemawang s'ya at halatang gulat sa biglaan kong pagsigaw.

"Ha?" Wala sa sariling tanong ko habang ang mukha ay alam ko ng namumula.

Shit! Kinikilig ako!

Hindi naman ako sinagot ni Petty, she just instead stared at me using her malicious eyes.

"Sige po, Ma'am. Mukhang naiistorbo ko po KAYO." Aniya nito sabay karga ulit ng kan'yang balde. Papunta na ito ngayon sa hagdanan, mukhang do'n naman s'ya mag-mo-mop.

Nang makaalis na si Petty sa harapan ko, ibinalik ko ulit ang buo kong atensyon sa cellphone at binasa ulit nang mabuti ang isang request messenge galing sa messenger.

Avamore Cosmetics:

Hello, Miss Camari! I am Rose one of the staff in Avamore Cosmetics, can we have a little chitchat?

O My Gosh! Totoo ba ito?!

Paulit-ulit ko kung binabasa ang message request sa akin nang nagpakilalang si Rose na galing sa Avamore Cosmetics. Binabasa ko ito ng marahan, at dahan-dahan, naninigurado kung tama ba ang nakikita ko.

Avamore Cosmetics sent me a message request!

Napahilamos ako ng mukha at napatili ng mahina.

Avamore Cosmetics is one of the famous make-up brand here in the Philippines. Kilala ang Avamore sa magaganda at high quality nitong make-up. Puro sikat at kilala din ang mga nag-e-endorse ng brand na ito, kaya nagulat ako nang bigla ako nitong i-message sa messenger.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Onde histórias criam vida. Descubra agora