CHAPTER 15

2K 75 2
                                    

"Camari." Katok ni Sergie mula sa labas ng pintuan.

Nasa labas kasi ito ng kuwarto dahil nagbibihis ako para sa foundation day na gaganapin ngayon.

"Camari." Katok ulit nito.

"Bakit ba?!" Singhal ko habang tinatali ang liston ng sapatos na bigay niya sa akin.

"They are here!"

"Who?" Tanong ko kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy n'ya.

"Your friends!" Sigaw ulit nito kahit naririnig ko naman ang boses n'ya kahit hindi s'ya sumigaw.

"Sandali! Pababa na!" Balik na sigaw ko.

Tumayo agad ako pagkatapos kong listonin ang sapatos ko. Bago ako lumabas ng kwarto ko, tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin. Umikot-ikot pa ako sa salamin para malaman kung okay na ba ang lahat. Nang makasigurado na ayos na ang lahat, kaagad na akong naglakad papunta sa pintuan at handa na sana akong buksan ang pinto nang sumigaw na naman si Sergie.

"Camari!"

Ano ba itong si Sergie?! Sigaw nang sigaw. Hindi naman ako bingi pero kung makasigaw, wagas.

Umiling na lang naman ako at hindi sumagot, binuksan ko na lamang ang pintuan. Pagkabukas ko ng pinto, tumambad kaagad sa akin ang mukha ni Sergie na may dalawang eyebugs.

"Oh, anong nangyari d'yan sa mata mo?" Curios kong tanong habang natatawa. Siguro, wala itong tulog kagabi.

Hindi kami magkatabi kagabi sa pagtulog. Doon s'ya sa guest room natulog dahil ayaw daw n'ya akong makatabi. Baka daw matagusan ko ulit ang bedsheet tapos madadamay na naman s'ya.

"Wala, just...umalis ka na lang." Sagot nito pero kita sa mukha nito na para bang may iniiwasan s'yang topic. Hindi ko naman s'ya kinulit pa.

Nagkibit balikat na lang ako at agad na bumaba. Pagbaba ko agad kong nadatnan ang mga kaibigan ko na naghihintay sa sofa. Kapansin-pansin na nakaturtle neck na naman si Delaney, siguro hindi pa bumabalik ang dati n'yang kulay. Habang naglakakad ako papunta sa pwesto nila, pinapasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Inginuso naman ni Valkyrie ang suot kong sapatos ngayon. Alam ko kung ano ang pinupunto n'ya pero nagtanong pa rin ako.

"Ay! Suot na n'ya ang nike n'yang sapatos." Komento ni Valkyrie sabay tulak ng mahina sa akin.

"'Yan na ba 'yong binigay ni Sergie?" Si Yvette sabay tayo sa kinauupuan.

"Ganda, ah." Komento ni Delaney.

"Dapat nagstiletto ka." Komento naman ni Sydney.

Stiletto? Bakit naman ako mag-s-stilleto?

"Hindi ba bagay sa suot ko?" Tanong ko sabay baba ng tingin sa sapatos na binigay ni Sergie.

"Huwag ka d'yan maniwala kay Sydney. Alam mo naman 'yang babae na 'yan,  maga na nga ang paa sa pag-s-stiletto pero stiletto pa rin nang stiletto." Pagpaparinig ni Yvette habang ang atensyon ay nasa sa akin.

Sa aming lima, si Sydney ang mahilig magstiletto. Siguro dahil na rin sa trabaho n'ya bilang artista kaya palaging gano'n ang suot n'ya.

Napatingin naman ako sa mga paa ng mga kaibigan ko. And my instinct was right. Si Sydney lang ang nakastiletto sa amin at ang iba ay naka rubber shoes at si Delaney ay nakaboots.

"Huwag na kayo magdiskusyon pa, tara na at malapit nang mag-alas onse." Si Sydney.

Napatingin naman ako sa wallclock namin at ten-twenty-five am pa lang naman. Ang aga-aga pa nga.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt