CHAPTER 4

3.4K 126 8
                                    

"Camari wala ka na bang nakalimutan sa mga gamit mo doon sa hotel?" Tanong ni Yvette sa akin.

We're at the airport right now. Si Yvette ang magpapalipad ng eroplano pero may isa pa s'yang kasama.

"Yeah, wala na." Simple kong sagot habang ang buhok ko ay nililipad na ng hangin.

Nasa labas na kasi kami ng eroplano, hinihintay na lang namin si Valkyrie para pumasok. Mayroon pa naman kaming two minutes na natitira.

Nasaan na ba kasi ang babae na 'yon? Palinga-linga ako ngayon, hinahanap ang babae na iyon. Ang sabi kasi nya iihi lang daw sya.

"Hoy Valkyrie bilisan mo dyan, wag ka ng mag fashion-fashion di ka model!" Sigaw ni Yvette dito habang kumakaway-kaway.

Napalingon naman ako sa taong kinakawayan nya. It's Valkyrie, may dala itong junk food at maypa-kembot-kembot pa itong nalalaman. Ang tanging dala lang n'ya ay ang sarili nya, wala kasi syang dalang maleta, nasa akin na kasi.

Nang makalapit na ito sa akin para kunin ang maleta ay tinanong ko kaagad ito.

"Akala ko ba iihi ka lang?! Pero bakit may chit-chiriya ka na ngayon? May canteen ba sa CR ng girls?" Mababa kong tanong sa kan'ya. Pinipilit ko lamang na wag s'yang pagtaasan ng boses kahit na naiinis na ako sa kan'ya.

Inuubos n'ya muna ang laman ng chitchiriya bago ako sa sagutin. "Siyempre wala, sino namang tanga ang magbebenta sa loob ng CR?! Nakakawalang gana kaya kumain kapag ganoon. Tapos habang kumakain ka may naamoy kang mabaho. At tiyaka, eh sa nagutom ako, kaya napapakain ako." Pagdradrama nito sa harapan ko habang ang mukha ay hindi maipinta.

Napa-iling na lang naman ako bilang sagot. Palagi na lang s'yang gutom.

"Hoy dali na pasok na kayo." Napalingon kaming pareho kay Yvette. "Baka mawala pa 'yong mga upuan ninyo doon." Sabi sa amin ni Yvette.

Agad naman namin itong sinunod. Agad kaming pumasok sa eroplano at pagpasok namin kaagad na sumalubong sa aming ang mga pasaherong may kaniya-kaniyang ginagawa. May ilang inaayos ang mga bahage, may iilang mga tulog sa kinauupuan nila, at may iba namang nagce-cellphone.

Alam kong kinakabahan ngayon si Yvette. Isa kasi s'yang Commercial Pilot at last na n'ya itong pagpapalipad bilang commercial. Last hour n'ya na kasi ito para makumpleto ang one thousand five hundred hours of flight. At aniya n'ya pa kanina na mas lalo s'yang kinakabahan kasi isang Captain Pilot ang kasama n'yang magpapalipad ng eroplano.

Agad na nagsalita ang isang flight attendant na itago na ang mga cellphone at ikabit na ang mga seat belt dahil lilipad na ang eroplano.

Tsk. Magcha-chat pa sana ako kay Mommy na pabalik na kami ng Zamboanga, kaso bawal na daw magcellphone. Tinago ko na lang ito at tiningnan ang mga maliliit na ilaw sa ibaba.

Nasa may bandang bintana kasi ako ngayon habang katabi ko naman si valkyrie. She's now busy with her food. Madaling araw ang flight namin at umaga na kami makakarating sa airport ng Zamboanga.

Naagaw ang atensyon ko nang magsalita ang mga cabin crew tungkol sa mga binibenta nilang pagkain na ang mamahal ng presyo.

"Ma'am you want coke? It's only twenty-five pesos." Aniya ng isang cabin crew nang natapat ang cart na hila-hila nila sa kinauupuan namin.

"Ang mahal naman." Mahinang bulong ni Valkyrie sa sarili nya. "No, thanks." Sagot nito habang nakangiti. Pagkatapos nito ay nilampasan na kami ng mga nagtutulak ng cart ng may ngiti sa labi.

"Camari," Kaagad akong nilingon ni Valkyrie. "Grabe narinig mo 'yon? Twenty-five pesos?! Grabe ang mahal. Sana pala magdemand tayo kay Tita Yvannana ilibre niya tayo ng mga pagkain." Bulong sa akin ni Valkyrie at mukhang naghihinayang pa.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin