SPECIAL CHAPTER

2.4K 83 9
                                    

RED SQUARE

"Sergieee! O My God! Ito ba ang Red Square?!" Camari asked cheerfully as her eyes are glimmering.

Andito kami ngayon sa Red Square Moscow, Russia. Ito kasi ang gustong puntahan ni Camari ngayong araw.

Andito kami ngayon sa Russia para maghoneymoon, pero parang hindi naman honeymoon ang nangyayari. Parang iba kasi ang gustong mangyari ni Camari. She just want to go to all breathtaking places here in Moscow.

"Tingan mo 'yon, oh, ang ganda! Feeling ko isa akong princess! God!" She shouted blissfully and immediately cling to my arm. "Ang sabi dito sa papel na ito." She is now unfolding the paper that was given to us earlier by someone we didn't know. "Itong Red Square daw ang pinakamatanda at pinakamalaking square dito sa Moscow, pero mukhang hindi naman matanda, kasi tingnan mo 'yang castle na 'yan," Napalingon naman ako sa kung anong tinuturo ng daliri n'ya. "Ang ganda, diba?!"

My forehead immediately formed in crease when I realized what she was pointing.

"Babe, that's not a castle, that's a cathedral." I corrected her. Baka kasi may makarinig nakakahiya. S'ya naman ngayon ang napakunot ng noo. "Saint Basil Cathedral." After I said this, I immediately shut my mouth. Preventing my self not to laugh.

"Weh? You sure? That's a cathedral?" Hindi makapaniwalang tanong ni Camari sabay titig nang matagal sa Cathedral na nasa harapan namin at pagkatapos ay ibinalik ulit sa akin ang buong atensyon. "Pinagloloko mo siguro ako, 'no?!" She said angrily as she let go her arm that was wrapped around my arm. "May Cathedral ba na gan'yan?! Wala naman, ah! Tingnan mo ang Cathedral masyadong makulay. May Cathedral ba na gano'n? At tiyaka castle kaya 'yan! Tingan mo ang bubong pang castle ang style!" She still insist that the Cathedral in front us was a castle.

Pinatitigan ko naman nang maayos ang tinuturo ni Camari, at tama nga s'ya. Kung pagmamasdan ay parang isang castle nga ang nasa harapan namin, pero hindi naman ito isang castle, dahil isa itong cathedral.

"Cathedral nga 'yan. Orthodox Church. And look at that statue." Ako naman ngayon ang may tinuturo, "Tara lapitan natin." Walang sabi-sabing hinila ko ng marahan si Camari papalapit sa statue na nasa tapat ng Cathedral.

Kaagad kaming napaangat ng ulo ng asawa ko nang nasa mismong harapan na kami ng statue na tinuro ko kanina. Pareho kaming matangkad ni Camari pero kailangan pa rin namin itong gawin para makita ng maayos ang statue. Mataas kasi ang statue at malaki rin.

"Sergie, sino 'yang dalawang lalaki na 'yan? Si Zeus ba 'yang nakaupo?" Camari's innocent question gaped my mouth.

Zeus?

"Babe," Tawag ko sa atensyon n'ya.

"What?" Tanong nito habang nakaangat pa rin ang ulo n'ya.

"We are in Red Square, Moscow —"

"Yeah, I know. I'm just confused if it's Zues who is sitting down."

"Nasa Greece si Zues, wala sa Russia."

"I know." Sa pagkakataong ito nilingon na rin n'ya ako.

"Then why are you asking if si Zeus ba 'yang nakaupo. Ano namang kinalaman ni Zeus dito? The monument of Zeus is located in Olympia, Greece, not here in Moscow Russia."

"Malay mo, katulad natin nagbakasyon rin s'ya dito sa Moscow." I don't know if Camari was just joking or not, but because of what she said I'm now laughing out loud.

Kung kanina ay kaya ko pang pigilan ang tawa ko, pwes ngayon ay hindi na.

Ano daw? Nagbabakasyon? Si Zeus?

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Where stories live. Discover now