CHAPTER 22

1.8K 70 2
                                    

"So..uuwi ka na ba sa inyo?" I shyly asked.

Alas siyete na nang gabi at andito kami ngayon naglalakad papauwi nang bahay.

"Why?" Napahinto si Sergie sa paglalakad. "Gusto mo na ba na umuwi na 'ko?"

Madalim na ang kalangitan at sadyang ang mga poste lamang ng mga ilaw ang nagsisilbi naming liwanag, ngunit kahit na gano'n malinaw na malinaw naman sa akin ang pagkunot ng kan'yang noo.

"It's up to you." Bahagya akong huminto. "Gusto mo na bang umuwi sa inyo?" I also asked him.

I want him to stay.

"Pinapauwi mo na ba ako?" Huminto si Sergie sa paglalakad at hinarap ako. Napahinto na din naman ako sa paglalakad at hinarap din siya.

Ngayon na kaharap ko na s'ya kitang kita na ng dalawa kong mga mata ang ilang parte ng mukha n'ya. It was as if he's glowing in the dark.

I smile. I'm comfortable to smile because I'm pretty sure he cannot notice it. Madalim kasi sa parte na kinatatayuan ko.

"Why are you smiling?" Tanong nito na nagpabilog ng dalawa kong mga mata.

Simpleng tanong lamang 'yon pero iba ang epekto sa puso ko. Kumakabog.

Nakikita n'ya ako? I thought he can't.

"Nothing, I've just enjoyed this day." Simpleng sagot ko, at naglakad ulit. Kaagad ko namang naramdaman ang pagsunod ni Sergie mula sa likuran ko at hindi kalaunan ay nasa tabi ko na s'ya.

"Puwede...puwede ba na sa inyo ako matulog?" Nag aalalangan na tanong ni Sergie sa akin. Halatang nahihiya. "I mean, I'm lonely in our house...wala sila Mommy umalis rin. Diba narinig mo naman ang  call namin kanina, right?"

Tumango lamang naman ako bilang sagot habang hindi binubuksan ang bibig.

He's right. Narinig ko nga ang usapan nila ng Mommy n'ya kanina. Katulad ko nag-iisa din ito sa bahay nila. Umalis din kasi ang mga magulang n'ya, may business din daw kasi na aasikasuhin. At katulad nina Mommy, next week din ang uwi nila.

"Ikaw bahala...kung gusto mo pa din ba na sa amin matulog." Ngiting sagot ko sabay lingon sa kan'ya.

Wala namang problema sa akin kung sa amin pa rin s'ya matutulog. Kasi doon naman talaga s'ya dapat matulog. 'Yon ang sabi nina Daddy sa akin.

"Salamat, Camari." Simpleng sagot ni Sergie at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Sumunod na din naman ako sa kan'ya.

Umuwi kami gamit ang jeep, as requested by Sergie. Alam mo ang saya ko ngayon, hindi lamang dahil kasama ko si Sergie kundi dahil naramdaman ko rin na hindi ako nag-iisa. Kasama ko si Sergie at pinaramdam n'ya sa akin na may kasama ako, na hindi ako nag-iisa. At ang sarap din sa pakiramdam na nagiging close na kami ni Sergie at nagiging open na rin tungkol sa aming mga sarili. Marami s'yang kinuwento sa akin tulad na lamang nang mga paborito n'yang pagkain, kung saan s'ya nag-aral at mga bagay na kinahihiligan n'yang gawin.

Sana ganito na lang palagi. 'Yong hindi kami nag-aaway.

Napakurap-kurap naman ako ng mga mata at napalingon sa taong sumundot sa akin. It was Sergie, tinuturo n'ya ang harapan namin. Napalingon ako dito at kaagad na napaayos ng tayo nang makita na nasa mismong tapat na pala kami ng bahay namin. Nauna naman akong pumasok dito at pagpasok ko sa loob ng bahay, kaagad kong naaabutan si Petty na tawang-tawa sa kaniyang pinapanood sa TV. Kapansin-pansin ang kalinisan sa loob ng sala. Walang kalat at ang lahat ng gamit dito ay nakaayos. Nang mapansin ni Petty ang mga presenya namin ni Sergie kaagad nitong pinatay ang TV at tumayo nang matuwid.

"Good evening, Ma'am and Sir. Sorry po kung pinakialam ko ang TV n'yo." Nakatungo nitong saad. Halatang nahihiya, kapansin-pansin rin ang palagi n'yang pagpahid ng kan'yang kamay sa damit na suot n'ya.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon