Nine

11 0 0
                                    


5 Years

==============================

It turned out na nireremind lang pala ako ni Sid na panoorin siya sa cheering contest nila two weeks from now sa MOA Arena. Isa kasi ang school niya na kabilang sa UAAP so yearly ay may cheerdance contest din na nagaganap.

"How is she?" I snapped out of my reverie sa tanong na yun ni Kurt.

I know he's asking about Sid. Madalas kasi siya noon sa bahay kaya naging close siya sa mga kapatid ko lalo na kay Kej at Sid. I remember Sid even cried when he stopped coming.

"She's fine. Still brat." Kibit balikat ko. I can't look at him kahit na ramdam na ramdam ko ang titig niya sakin.

"Sa'yo pa rin ba sya natutulog?"

My heart almost jump at that question.

Hindi rin kasi lingid sa kaalaman niya na share kami ng kwarto ni Sid. He even teased her for that before. Oh, shit, LJ get a grip on yourself. Do not look back on your past.

Tumango ako. I bit my lip and stole a glance from him.

He braced his elbow on the table and leaned his head on his palm. Tamad syang nakatingin sakin. "Matagal ko na rin silang hindi nakikita. I should visit them sometime."

Tuluyan na akong napalingon sa kanya at binigyan sya ng masamang tingin. "Don't you dare." I growled.

Umangat ang sulok ng kanyang labi na ikinainis ko. "Bakit naman?"

"Don't you ever show your face in our house."

"Relax. Sila naman ang bibisitahin ko e. I kind of miss Sid, too," Aniya sa tonong natutuwa.

So this is what he wants. Ang iprovoke ako para mainis at mabigyan siya ng pagkakataon para buhayin ang nakaraan. Or so I thought? Not a chance.

Umayos ako ng upo at kinalma ang sarili. "Fine. If that's what you want." Kibit balikat ko.

Napamaang siya sakin at napatitig ng matagal. Hindi niya inaasahan na madali lang niya akong mapapapayag. He's so used to having an argument with me.

Buong araw ay nakasubsob lang ako sa trabaho at hindi ko pinapansin si Kurt. Paminsan minsan ay may tumatawag din sa kanya at naman ay lumalabas sya ng office.

Nung umalis sya para makipagmeeting kay Mr. Farrell ay hindi na siya bumalik. Ni hindi nga siya nagpaalam sakin nung umalis siya.

Kailangan ba niyang magpaalam sakin? 

Hanggang kinabukasan ay hindi siya bumalik kaya pasimple akong nangalap ng impormasyon kay Kris nang pumasok sya sa office.

"Diba may meeting ngayon si Mr. Sevilla?" I asked, not bothering to lift my gaze from the documents I was reviewing.

"That's what I came here for actually. Tumawag sya kanina, he won't be here 'til tomorrow dahil nagkaproblema daw sa kabilang kompanya niya. And he was pleading for you to attend his appointments here today."

Kumunot ang noo ko. Ipagsisiksikan niya ang sarili niya dito sa kompanya tapos may problema pala syang dapat ayusin sa kompanya niya. I don't get his point. Hindi pa naman nalulugi ang C&C para mag alala sya sa stock niya dito at makishare pa sa posisyon ko. Doon na lang sya sa kanila mas kailangan siya doon.

Nag angat ako ng tingin at tumango. "Alright. What's my calendar for today?"

Pagkatapos sabihin ni Kris ang appointments ko ngayong araw ay lumabas na rin siya.

Huminga ako ng malalim at sumandal sa swivel chair ko. Lumingon ako sa katabing table and felt a shallow emptiness in me. No matter how much my mind deny it ay hindi pa rin maipagkakaila ng puso ko na siya pa rin talaga ang hinahanap hanap nito.

London (The Cinderellas #1)Where stories live. Discover now