Seven

3 0 0
                                    


Replaced

==============================

Kaya nang sumunod na araw ay nagpasya na lang akong hindi pumasok. Sinabihan ko si Kris na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakapasok. Ngunit ang katotohanan ay nagmumukmok lang ako sa kwarto. Nagtaka pa si Sid at Jam dahil unang beses daw akong lumiban sa opisina na wala namang sakit.

Hindi ko sila sinagot sa kanilang mga tanong at patuloy na nagmukmok. In the end naman ay tinigilan na nila ako at nagsipasok na sa kani-kanilang klase.

Lumabas ako ng kwarto at nagpasyang manatili muna sa living room. Napakatahimik ng bahay at tila mas lalo ata akong mababaliw sa katahimikan na yun.

Naisipan kong pumunta na lang sa garden ni Mommy at trabahuhin na lang ang trabaho ng hardinero namin. Tinrim ko ang kailangang i-trim na halaman. Inayos ko rin ang mga bulaklak at ilang beses na nilipat yung ibang mga paso ng halaman para mas lalong gumandang tingnan. Nagbungkal na rin ako ng lupa at nagtanim pa ng ilang halaman.

Ako na rin ang nagwalis ng mga kalat ko kahit na nagwo-worry na yung hardinero na baka pagalitan daw sya ni Mommy.

"Ako na lang po dyan señorita." Aniya habang hindi alam kung ano ang gagawin niya.

"No. I insist. Iba na lang ho muna ang gawin nyo." Sabay walis ulit.

"S-sige ho. Tawagin nyo na lang ako kung may kailangan pa kayo." Kakamot kamot na umalis din sya roon.

Alas diyes na nang matapos ako sa garden kaya pumasok na ulit ako sa loob. Wala na naman ulit akong gagawin kaya tumunganga na naman ako sa living room.

I really hate doing nothing. Napapaisip ako ng mga bagay na hindi naman pwede. Kung saan saan lumilipad ang isip ko. At dahil ngayong wala na naman kong ginagawa ay naiisip ko na naman sya. Umabsent na nga ako sa trabaho ay ito pa rin ako at sya pa rin ang naiisip.

Palaisipan pa rin sakin kung bakit ganun na lang ako nag react sa presensya nya. Akala ko mapapanitili ko ang composure ko sa muli naming pagkikita. Hindi ko naman inaasahan na bigla biglaan ang pagkikita namin.

Hindi ko rin mapigilang isipin ang mga pagbabago sa physical appearance nya. Mas tumangkad sya at mas lumaki ang pangangatawan niya. Pero yung mukha niya mulha mata hanggang labi ay ganun na ganun pa rin. Pati ang kanyang mga ngisi lalo na pag napapakagat sya sa kanyang labi. I remember hpw those lips were so sweet with mine. I wonder if it taste the same.

Nanlaki ang mata ko sa mga naiisip. Pumikit ako ng mariin at pinilig ang ulo.

Do not think of him!

Pinilit kong ibahin ang takbo ng isip kaya kahit na hindi naman ako marunong sa naisip ko ay nagpunta ako ng kusina at nanggulo. Nandun si yaya melba na maluha luhang naghihiwa ng sibuyas.

"Yaya, are you okay? Bakit ka umiiyak."

Napaangat sya ng tingin sakin at agad na nagpunas ng luha.

"Hija, naku, wala 'to. May kailangan ka ba?" Tanong nya pagkatapos.

Lunapit ako sa kanya at tinignan ang kanyang ginagawa.

"Wala po. Pero gusto ko po sanang matutong magluto." Ngiti ko.

Nagulat sya sa sinabi ko at napatingin sakin.

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako. "Oo naman po. Ang boring kasi dito sa bahay e kaya susubukan ko pong magluto."

"Aba'y ba't di ka na lang pumasok sa opisina at nang hindi ka naboboring dito?"

"Ayoko po." Lumapit pa ako sa kanya lalo at niyakap sya sa galing sa likod sabay patong ng baba ko sa balikat nya. "Sige na ya, please?"

London (The Cinderellas #1)Where stories live. Discover now