Eleven

4 0 0
                                    

Crazy

==============================

Laking pasasalamat ko na buong buo akong dumating sa mansyon. I was totally wrecked on the way home.

Sinikap kong wag umiyak habang nagdadrive dahil ayaw ko namang maaksidente dahil lang sa pesteng luha.

I'm glad everyone's asleep kaya malaya akong dumiretso sa kwarto kung saan hindi ko naabutan si Sydney.

Nagshower at nagpalit muna ako ng pantulog bago chineck ang kwarto niya kung naroon siya.

She's there and in deep sleep. Marahan kong isinara ang pinto ng kwarto niya. Ano na naman kaya ang drama ng bunso namin?

I went back to my room and crawled on my bed. I tried to sleep ngunit pabiling biling lang ako. Mariin kong ipinikit ang mata ko willing myself to go to sleep pero ang malungkot na mukha ni Kurt ang nakikita ko.

I cursed.

Why won't he just get out of my mind? Nahihilo na ako sa sobrang pag iisip.

Bumaba ako sa kusina upang magtimpla ng gatas para makatulog ako. I drank it at hinugasan ang baso bago umakyat ulit.

When I get back to bed ay hindi pa rin ako makatulog. I was haunted.

Tuwing pumipikit ako ay si Kurt ang nakikita ko at naninikip lamang ang dibdib ko.

Inis na bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Paulit ulit akong huminga ng malalim.

I went to walk in closet dahil nakalimutan kong ioff ang ilaw. I was about to turn off the lights ng mahagip ng mata ko ang cabinet na pinaglagyan ko ng mga alaala namin ni Kurt.

I smiled bitterly at binuksan ang cabinet. I pulled out the small box inside and opened it.

Isang tingin ko lang sa kwintas na nilalaman noon ay nag unahan na ang mga luha sa pisngi ko.

What a baby.

Wala na atang alam ang mata ko kundi ang magpatulo ng luha.

Pinasadahan ko ng daliri ang infinity pendant nito at sa bawat haplos ko ay parang tinutunaw ang puso ko sa sakit.

Was it really easy for him to threw it all away?

Sunod na nahagilap ng mata ko ay ang mga litrato namin na magkasama.

Masokista na nga siguro ako dahil kinuha ko iyon upang pagmasdan isa isa. Naroon ang stolen shots namin dalawa, nasa beach, sa school, sa concha's at sa Barcelona. Puro kaming dalawa lang ang naroon. He looked so boyish way back. So carefree at tila walang problema.

Mapapansin mo talaga ang malaking ipinagbago niya sa loob ng apat na taon na hindi kami nagkasama. Ngayon ay mature na siyang tingnan. He was even more beautiful now. Kaya hindi ko napigilan ang mapahagulgol. At mainggit kay Sherry na ngayon ay girlfriend niya.

Now that I got my closure, painful closure, ay baka pwede na akong mag move on ng tuluyan. I proved that I don't really that matter to him at all para sayangin niya ang pinagsamahan namin. I'm strong and I can move on kahit na masakit tanggapin lahat.

Marami pang isda sa dagat, ika nga.

Sinong niloko mo? I know to myself that I won't ever find a man better than him. That's a fact.

----

Kinabukasan ay si Jam lang ang inabutan ko sa breakfast table.

"Where is everyone?" Tanong ko pagkatapos ko siyang batiin ng good morning.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

London (The Cinderellas #1)Where stories live. Discover now