Three

8 1 0
                                    

Barcelona

==============================

Halos hindi na ako magkamayaw sa pabalik balik na paglalakad sa loob ng eroplano ng lumapag ito. Nahihilo na siguro sakin ang mga kapatid ko.

"Hoy LJ, umupo ka naman at naduduling na ako sayo." Hindi na napigilang sabi ni Berlin.

"Oo nga Ate, nakakahilo ka." Dagdag ni Kej.

"Hindi nyo kasi naiintindihan eh. Inatake si Daddy pero parang wala lang sa inyong apat." Singhal ko sa kanila.

Inirapan ko sila.

Nasabi ko na kina Jam at Sid ang nangyari kanina pagkagising nila pero parang wala lang sa kanila at tila mas nag aalala pa si Sid para sakin kesa kay Dad.

Berlin rolled her eyes habang si Kej ay natutuwa pa ata sa reaksyon ko.

"I'm feeling so bad for her right now, jaja." Narinig kong bulong ni Sid kay Jam. Nahuli ko pa ang nag aalalang tingin nya sakin.

"Ssshh! Manahimik ka na lang." Saway ni Jam sa kanya. "Ate, you should calm down. I know Dad's fine by now."

"I can't. Pwede ba? Bakit ba parang hindi man lang kayo nag aalala para sa kanya?"

Naiinis naman na umupo na lang ako sa pinakaharap na upuan.

I have managed to change my clothes kanina when they were sleeping. Nagulat nga ako dahil inabutan ako nung attendant ng damit ko. I've recognized the clothes because I just saw them earlier, errrr yesterday I mean sa closet. Panong nangyari na nakuha nya yun? But I didn't made it a big deal, atleast nakapagpalit ako ng mas presentable na damit.

Mga ilang minuto pa siguro kaming naghintay bago kami pinalabas sa eroplano. Pagbaba namin ay may naghihintay ng sasakyan.

Nauna na akong sumakay dun at sumunod na rin sila. Sa tabi ko ulit umupo si Sid, sa tabi naman nya ay si Kej, kaharap namin sina Berlin at Jam. Pagkatapos ay umalis na rin naman na kami. Medyo kalmado na rin naman na ako dahil alam kong okay si Daddy pero hindi ko pa rin maiwasang mag alala.

Napatingin ako kay Sid nang hawakan niya ang kamay kong nasa lap ko. "Ate, sorry. Wala akong kasalanan dito." Aniya. She looked so sorry.

Ano ba ang pinagsasasabi nitong kapatid ko?

I just stared at her, confused. "Anong sinasabi mo?"

"Basta. Wala talaga akong kasalanan dito ha. Promise!" Sabi pa niya at itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Sus! Wag ka ng maghugas kamay Sid, may kasalanan tayong lahat dito."

Nabaling ang tingin ko kay Kej.

"What are you guys talking about?" Naguguluhan na talagang tanong ko.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa pero walang sumagot sa kanila.

"Sid? Kej?" Untag ko sa kanila. Umiling iling si Sid habang si Kej naman ay nag act na naka zipper ang bibig nya.

Si Berlin ang sumagot. "You'll know later."

Tumango na lang ako at tumingin na lang sa labas. I think I now know what is all this about. Shit!

Last time I came here was four years ago, since then I never came back. Sariwang sariwa pa sakin ang lahat ng mga nangyari nung huling nandito ako na kasama sya. Ang daming alaala ng lugar na 'to sakin in just a span of days. This is the place where I vowed to him that I will only love him and only him to infinity. This is the place where the happiest days of my life happened, and it was with him. After those wonderful days with him here came the most painful days of my life when we went home.

London (The Cinderellas #1)Where stories live. Discover now