Five

6 0 0
                                    


Wasted

==============================

Nagmadali akong lumabas ng elevator yakap yakap ang mga folder na dala ko sa isang kamay. I don't know why I'm such in a hurry. Am I expecting him to follow me? Huh! Wake up LJ, iniwan ka nga nya and you expect him to chase after you?!

May mga nagpaalam sakin na empleyado nung nilagpasan ko sila pero hindi ko yun inalintana.

"Ma'am, tulungan ko na po kayo." Prisinta nung security guard nung nasa malaking dalawang salamin na pinto na ako.

"No, I can manage. Just get me a cab." Utos ko na lang at nauna ng lumabas. Agad naman syang sumunod at itinawag ako ng taxi.

Pagtapat nung taxi sa harap ko ay hindi na ako nagdalawang isip na sumakay. Hindi na rin ako nag abalang magpasalamat sa security. What's the use? Ako ang boss nya kaya hindi ko sya kailangang pasalamatan.

Saka ko lang naibuga ang hindi ko alam na pinipigilang hininga nung makapasok ako sa taxi. Napansin ko rin na nanginginig pala ang mga labi at kamay ko.

"Corinthians, manong." I said not bothering to look at the driver. Hindi sya sumagot at pinaharurot na ang sasakyan.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga nadadaanan naming building sa Ayala Avenue. At panay ang pasada ko ng kamay sa buhok ko habang pinapakalma ang mabilis kong paghinga.

Bakit ba naging ganito ang reaksyon ko sa unang pagkikita namin ulit? Had I known I would act like this I would have my practices frequently. Ngayon all my efforts has gone wasted. Damn it! I am so flyin' weak.

I have to be tough for the sake of my feelings, pero anong ginawa ko? I think I acted like a total bitter bitch back there. I should have thought of being a professional. Ugh!

I am so gonna kill dad for this. Hindi na ako makapaghintay na bumalik sya dito sa Pilipinas. Kung alam ko lang na sya pala ang dadatnan ko sa office ay dumiretso na lang sana ako sa bahay or yet nagpaiwan na lang din sa Barcelona. I just really hope that he's already left the office by tomorrow.

Pagdating sa bahay ay mainit pa rin ang ulo ko kaya nagpasya na lang akong magwork out pagkatapos magpalit ng damit. I will try my best to finish those damn papers pag medyo okay na ang pakiramdam ko.

Pumunta ako sa workout room para datnan si Jam na nagt-treadmill. Hindi nya ako pinansin at ganun din ako dahil busy sya sa pagtakbo. Malakas din ang tugtog mula sa mga speakers na nakalagay sa kisame.

Ipinusod ko ang buhok ko at inayos ang sports bra at leggings na suot ko. Nagstretching muna ako pagkatapos ay nagsuot ng gloves bago lumapit sa punching bag at nag umpisa.

Malalakas ang pinapakawalan kong suntok dahil kailangan ko yun. Kailangan kong ilabas ang galit na unti unting nag aalab sa sistema ko. Hindi ko matanggap sa sarili ko na hindi ko mahagilap sa puso ko ang galit ko sa kanya tanging sakit at sugat lamang ang naiwan dito.

I blink back a tear and advance again with a more powerful punch. I was imagining that punching bag as him and myself. Gustong gusto ko ring suntukin ang sarili ko sa inis. Ilang ulit kong pinagsusuntok iyon bago nahahapong napaupo sa carpeted na sahig.

Napayuko ako at mariing pinikit ang mata para pigilan ang pagluha. Why is he suddenly back after 4 years of not showing up? Ano'ng kailangan nya at bakit nya ginawa 'to? Those are some of the so many questions that are clouding my mind.

I shook my head and laugh at how being a girly I am.

"You alright?" Untag ni Jam. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala sya sa harap ko at pinatay na pala nya ang tugtog. She handed me a bottled water. Kinuha ko yun at uminom.

London (The Cinderellas #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum