Chapter 13

5.4K 119 27
                                    


LISA'S POV

Hindi mawala sa isip ko si Ella. Kamukang kamuka nya si Jennie lalo na ang mata at ngiti nito

Tinawag nya din akong Dada pero bakit? Bakit sinabi nyang namimiss na nila ako ng Mommy nya? Sino ba ang mommy nya?

Tumingin ako sa wall clock ko at napabuntong hininga ng makita kong 1 am na

Tinanong ko sila Seulgi pero iniwasan nila ang tanong ko

"Aish! Sino ba kasi yung nanay ng batang yun?" Inis kong Tanong sa sarili ko

Tumayo ako at pumunta sa mini bar ko. Naghanap ako ng pwede kong pampaantok tsaka ako kumuha ng yelo at baso

Umupo ako sa countertop ko at nagsalin ng alak

Nakakarami na akong baso pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Ella. Ang mga mata at ngiti nya ay pamilyar sakin at sigurado akong nakita ko na yun

Hindi kaya anak sya nila Kai at Jennie? Pero bakit nya akong tinawag na Dada kung si Kai ang Tatay nya?

Ibig bang sabihin ay anak ko si Ella? Pero pano nangyare?

Wala ngang nangyari samin ni Jennie eh. Yung una at huli ko ngang halik sakanya ay nung kasal pa namin kaya imposible yun

"Tama, Lisa. Imposible yun" pangungumbinsi ko sa sarili kong hindi mapakali

***

Pumasok ako sa office ng sobrang sakit ng ulo ko dahil wala akong tulog, idagdag nyo pa na uminom ako

"Chong-ah, coffee please" sabi ko sakanya at palagpak na umupo sa couch ko

"Here" inabot ko yun sakanya at nagpasalamat

"Ano nanaman bang nangyare sayo? Hindi naman ganyan itsura mo pagnag aaway kayo ni Sana ah?"

Tiningnan ko sya ng seryoso at umayos ng upo

"Chong-ah, tingin mo ba tatawagin ka ng Mommy ng isang bata kung hindi ka naman nya kilala?"

"Hmm. Oo, baka kamuka ko yung mom nya. Bakit, ano bang nangyare?"

"Pano kung kamuka ng ex mo?"

"Baka anak ko? Pero imposibleng hindi ko alam na nabuntis ako diba?"

"Tama. Hindi ko anak yun"

"Sino ba?"

Humigop muna ako sa kape ko bago magkwento

"Pumunta ako kagabi kila Seulgi dahil birthday nya, nagtaka ako sakanila ni Irene dahil parang kinabahan sila nung nakita nila ako" uminom ulit ako at pinagpatuloy ang sinasabi ko "napansin ko na may batang babae na natutulog sa lap ni Irene at may kamuka s-"

"KAMUKA NI YOOA?!"

"Tanga! Ex ko ba yun?"

"Ay hindi ba?"

"Hindi gaga, si Seulgi ex nun engot"

"Ay, malay ko ba. Ituloy mo na nga"

"Nasan na ko? Daldal mo kasi, leche"

"Nasa kamuka nung bata"

"May kamuka yung bata pero di ko maisip kung sino, tapos nakita kong naalimpungatan sya kay nginitian ko sya dahil ang cute cute nya. Nagulat ako nung tawagin nya akong Dada at niyakap nya pa ako, sabi niya din na namimiss na daw nila ako ng mommy nya. Tinanong ko sila Seulgi pero iniwasan nila ang topic"

"Teka, sino kamuka nung bata?"

"Kamuka ng mata at ngiti nya ang kay Jennie kaya tingin ko ay anak sya ni Jen"

Selfish || Jenlisa ✓Where stories live. Discover now