Chapter 8

4.7K 122 31
                                    

Dedicated to:inday123x23xy123x

Thank you for supporting my stories❣️

LISA'S POV

Nakatayo ako sa harapan ng company kung saan nagmomodel si Jennie. May dala akong bouquet ng bulaklak para sakanya

Pumasok na ako at nginitian ang mga bumabati sakin

"Miss, san yung make-up room  ni Ms. Jennie Kim?"

"Sa room 23 po"

"Thank you" ngumiti ako sakanya at hinanap ang Room 23

Kumatok muna ako dito bago ito buksan

"Hi, Miss Manoban. May kailangan po kayo?" Tanong ng make-up artist ni Jennie

"Uhm, si Jennie po?"

"Nasa photoshoot pa sya. Pasok ka muna"

Nagpasalamat ako sakanya bago umupo sa couch. Ibinaba ko muna ang bulaklak sa tabi ko

"Miss, ilan po kayo dito?"

"Kasama staff?"

Tumango ako at ngumiti

"Siguro nasa 50 kami kasama ang mga model"

Kinuha ko ang phone ko at umorder ng pagkain para sa buong team nila

"Mauuna na po ako, paki sabi nalang po kay Jennie na dumaan ako"

"Hintayin mo na sya, matatapos na ang photoshoot nila"

"Hindi na po. Salamat po" nagbow ako sakanya bago ako lumabas ng make-up room

"Anong ginagawa mo dito?"

Tumingin ako sakaniya at ngumiti

"Napagod ka ba sa photoshoot mo? Dinalan kita ng paborito mong fl–"

"I don't care. What are you doing here?"

"Binisita ka"

"Wala akong sakit. You may leave"

Nakatingin lang ako sakanya nung pumasok sya sa make-up room at itapon ang bulaklak na binigay ko

"Ano? Nasasaktan ka nanaman?" She chuckled

Tinitigan ko sya ulit bago ako umalis ng building nila

Huminga ako ng malalim dahil nahihirapan na akong huminga

"Ma'am are you okay?" Tanong sakin ng receptionist

"Y-Yeah, thank you"

Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi sa bahay nila Mom

***

"Lisa! How are you, anak?" Sinalubong ako ng yakap ni mom kaya napangiti ako

"I'm okay, Mom. How are you?"

"Okay lang din ako pero namimiss na kita"

Pumasok kami sa kusina dahil ipagbebake nya daw ako ng favorite kong muffins

"Kamusta kayo ni Jennie?"

"Okay naman kami Mom"

"Hmm, mabuti naman. Sa susunod isama mo sya dito"

"Yeah"

Di alam ng parents ko ang totoong nangyayari samin ni Jennie. Sikreto lang namin yun pero si Tito ang nakahuli kay Jennie. Gusto nyang sabihin ko yun sa parents ko pero di ako pumayag dahil ang alam nila ay mahal din ako ni Jennie

Selfish || Jenlisa ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ