Muli ko namang hinarap itong kausap ko kanina at tinaasan ng kilay.

"So?" I'm waiting for her to answer me and crossed my arms.

"I told your parents yesterday if we can celebrate Christmas here with you guys. Oo sanay na kaming magkakasamang tatlo kapag nagpapasko pero hindi ba't parang masaya kung kasama namin kayo? It's like we want to make this a special one. And pumayag naman sila Tito and Tita tsaka nalaman naming dito rin si Kyla kaya heto. Oh dba mas masaya." Paliwanag niya.

"Eh bakit hindi mo sinabi agad sakin? Or bakit hindi ka na lang sakin nagtanong" Nakanguso kong tanong kaya pinisil niya ang pisngi ko.

Medyo masakit yun ah! Pero okay lang. Ginagawa ko rin naman sa kanya yun hihi.

"Hmm suprise? Again? Hehe." Hindi pa niya siguradong sagot kaya napafacepalm na lang ako. Ang dami talagang pasabog nitong Wong na toh.

Tinanguan ko lang siya bilang sagot.

"Kamusta ka naman dito bun?" Pagbabago niya ng usapan. Mas dumikit muna ako sa kanya at sinandal ang ulo sa balikat niya.

"Okay lang. Wala namang bago dun haha. Eh ikaw?"

"Hmm same pero pagkatapos kong icheck yung agency, nagstay na ako sa bahay dun sa office ko kasi nakakatamad ding bumyahe." Walang gana niyang sagot kaya hinampas ko siya. "Aray naman! Magpapasko na nga lang mamaya, nananakit ka pa."

"Baliw ka kasi! Tinuring ka pa namang CEO ng isang sikat at malaking kumpanya tapos tatamad tamad ka lang dyan. Buti nga nasayo na ang lahat. Pera, magandang buhay. Yung ibang tao dyan nagpapakahirap at nagbabanat ng buto para lang may ipakain sa pamilya nila. " Pangangaral ko sa kanya dahilan para mapasimangot siya.

"Sabi ko nga magsisipag na ako. Sorry po." Nakanguso niyang sagot so I gave a peck on her lips.

May four hours pa naman before Christmas kaya napagpasyahan nila na magsama-sama muna kami sa sala at doon magkwentuhan habang naghihintay ng oras. Pinangkuha muna ako ni Deans ng pagkain bago sumunod samin.

"Here." She handed me a plate with pasta, chicken and shanghai on it. I murmured thank you and she sat beside me. Halos magkakatapat lang kaming lahat at pare-parehong may hawak na pagkain.

"So how's your extended stay in New Zealand? May nangyari bang hindi maganda? Nag-alala kami noong hindi ka nakatawag agad samin. Magkwento ka naman." Request ni Papa kay Deanna.

Inubos muna nitong katabi ko ang pagkain sa bibig atsaka nagsimula.

"About that Tito, hindi po ako nakatawag sa inyo kasi tinambakan po nila ako ng mga paperworks that time kaya wala na po akong oras icheck yung phone ko. Halos nakakailang texts at calls nga rin po si Jema nun na hindi ko nasagutan kaya bumabawi po ako sa kanya ngayon. And yes, may nangyaring pong hindi maganda. What's new dba? That's life." Kwento ni Deans at pekeng tumawa.

Napangiti ako ng mapait dahil alam kong hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa ilang araw siyang nagstay doon. Kasama pa niya yung daddy niya na walang inisip kundi ang sarili. Hays.

"Ganyan talaga anak. Isang araw, mamumulat din sa katotohan yang ama mo. Hindi ko inaasahang sa likod ng mga ngiti at pagtulong ni Mr. Wong sa ibang tao ay may pinakatinatagong lihim pala. Hayaan mo, matututunan din niya ang mga maling nagawa niya. Hindi lang sayo, pati na rin sa Mommy at kapatid mo." Nakangiting komento ni Papa at tinapik ang balikat niya.

So yun, pinalitan na nila yung topic para naman hindi mailang si Deanna. Nagkwento si Kyla tungkol mga kalokohan niya dati at dinamay pa ako ha. Sinabi niya na kapag daw umiinom kami ng alak dati ang bilis ko daw tumumba tapos pinaalala pa niya yung nalalaglag ako sa hagdan kasi hindi ko nakitang may step pa pala kaya ayun. Nabalot ng tawanan yung buong bahay.

My Immortal Crush  Место, где живут истории. Откройте их для себя