Kabanata 4

1.6K 114 62
                                    

Kabanata 4...
Monster
[Warning: SPG Scene ahead.]


Mas binilisan ko pa ang paglakad ko nang makita kung nasaang upuan sila Olivia.

"Hi!"

"Hey," bati ni Kai na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Gutom na gutom lang, Sawyer?"

"Bakit ba?" sinabi n'ya iyon ng may laman pa ang bibig. Ngumiwi ako.

Hindi sumabay sa amin si Adonis na mag lunch sa hindi ko alam na dahilan, ito namang si Sawyer ay nagmamadali sa pagkain dahil may tatapusin pa raw sila.

"Here's my gift pala for Eunice. I'm really sorry hindi ako makakapunta," I hug Oliv from the side as I hand her my present for Eunice.

Tumawa naman ito habang pina-pat ang balikat ko.

"Okay lang. Dapat nga hindi ka na nag-abala pa."

Ngumuso lang ako at kumain nang kasabay sila.

I'm actually not feeling good today. Kanina pa masama ang pakiramdam ko, pero wala naman akong sakit. Talagang nanlalambot lang talaga ang katawan ko. I'm not sure why. Maybe it's just the period hormones coming up? Baka malapit na akong magkaroon.

Mahina akong bumuntong hininga. I'm in a class right now, tila wala namang pumapasok sa isipan ko. Idagdag pa na iniisip ko ang gagawin namin mamaya para sa project kay Miss Sudan. Sinabi sa akin ni Devon kanina na ako na lang daw ang haharap sa ccamer. Sabi pa nga n'ya kanina, ako na rin daw ang mag edit ng video, but of course, I refused. Hindi ko na kakayanin. Ang dami ko pang kailangang gawin. Mabuti na lang at mabait iyong si Gilbert na isa naming ka-group at s'ya nang nag volunteer.

Last na class na... pag-aalu ko sa sarili.

I think I'll really get sick. Ang bigat-bigat na rin ng ulo ko, pero wala pa naman akong lagnat. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko today. Marami naman ako kung kumain, hindi naman ako nagpupuyat, medyo lang. Pero siguro dahil na rin sa stress at pagod sa academics. 

I sigh.

I don't know how many times I've sigh today. I really am tired. Nanglalambot ako.

"Euphie, ito mga sasabihin mo mamaya. Naggawa na ako ng script para may input tayo kung paano magsisimula. Kabisaduhin mo na lang dahil hindi naman maganda kung tingin ka nang tingin sa papel while we're doing it. Also, you should look presentable later."

Tumango na lamang ako kay Devon at hindi na nakipagtalo pa.

I know I look presentable right now even without trying. Siguro ay mag-aayos na lang ako ng kaunti mamaya. Kaso itong ibinigay naman n'yang script sa'kin ang problema ko. Puro na lang last minute itong si Devon. Kung kagabi n'ya pa ibinigay ito sa akin, malamang kabisado ko na 'to. Hindi 'yung ganitong ilang oras na lang 'tsaka n'ya pa ibinigay.

Bumuntong hininga na lang ako habang hinihintay matapos ang huling klase. Pagkatapos nito ay mag kikita-kita muna kami sa cafeteria para doon naman mag usap-usap dahil konti na lang naman ang tao doon kapag ganoong oras, at ayaw ko na rin sa library.

"Kabisado mo na ba?"

"Hindi pa—"

"Dapat makabisado mo na 'yan. Papunta na tayo oh," sa sinabing iyon ni Devon, nagtinginan pa ang mga kagrupo ko sa amin. Muli na lamang ako tumango at binasa iyong ginawa n'ya habang naglalakad kami.

"Ba't ganyan ang itsura mo?" Tanong na naman ni Devon.

Magsisimula na kami. Isini-set up na lang ng iba kong kagrupo ang backdrop.

Serendipitous EncounterWhere stories live. Discover now