Kabanata 16

1.5K 88 38
                                    

Kabanata 16...
Funny


November passed like a whirlwind. I just went home from a shoot earlier with Tita Roselia. I'm exhausted as hell dahil bago ako pumunta doon ay galing pa akong school.

Needless to say, natanggap ako sa audition. I don't know if it's because I really passed, o dahil lang sa connections ni Tita, but either way, I am happy. Iyon nga lang, pagod na talaga ako.

Mabilis akong tumalon sa aking kama kahit hindi pa nakakapag bihis, iniisip ang mga mangyayari sa susunod na araw.

It's December first and I welcomed it with exhaustion.

Sa pagod kong ito, kahit paggalaw ng kamay ay tamad na tamad ako pero nang marinig ang pag tunog ng cellphone ay agad akong tumihaya para kuhain iyon.

"Hello!" I spoke. I hate that I sounded too enthusiastic, pero bahala na.

"Hey," Asher chuckled.

"Nasaan na kayo ngayon?" Tumaas ang kilay ko.

These past few days, our messages went dry. I understand it naman since he's busy with school and I'm busy with mine. Sinabi lamang nito na babawi na lang s'ya ngayong buwan dahil wala na nga s'yang gagawin kung hindi ang mag tatambay sa kanilang bahay.

"Uhm... can I hear that again?"

Humalakhak na ako doon. Hindi n'ya pa rin maintindihan kapag mabilis! However, he's improving a lot.

"Where are you?"

"Oh, right! We're at the airport right now, just waiting for our plane. Maybe later, I'll call you when we touch down NYC, but I bet you'll be asleep then, so..."

"It's alright. I'll just call you when I wake up. Or maybe, just call to wake me up." I chuckle.

"I prefer that. I don't trust you on waking up early anyway,"

"What?!" Humalakhak ako.

Well, ako rin naman walang tiwala sa sarili pag dating sa gan'yan.

Ilang sandali lang rin ang tawag naming iyon dahil kailangan na nilang mag handa para sa pag alis.

Ako nama'y pagkatapos mag half bath ay bumaba para kumain ng hapunan.

I know I'm eating late for dinner, but what can I do? Si Tita nama'y hindi tumigil sa isang restaurant para kahit sandali lang ay makakain kami, idineretso agad ako sa bahay kaya ito. Gutom.

"My, ang sakit-sakit na ng likod ko." I groan.

Ngumiwi lamang si Mommy habang nakatingin sa aking tamad na tamad sa hapag kainan. Pinagalitan pa ako nito kaya hindi na muli ako umulit pag daing. Mas lalo akong napapagod kakarinig kay Mommy e.

After eating dinner, I wet straight to my room and opened my laptop.

Bukod sa paper works ngayon ay marami-rami din kaming digital outputs na ipapasa. Hindi ko nga alam kung gusto ba nila kaming ipag-Christmas break o gusto lang nilang mas mahaba ang time namin sa mga outputs. Pero bahala na, wala rin naman akong choice kung hindi gawin ang lahat ng iyon.

It's funny how hour later I was stressed since there's so many things I need to pass, tapos ngayon ay nagbro-bowse na lamang ako sa aking social medias. I'm not a clown, I'm a whole circus.

Ganoon na lamang ang biglang pagbabago ng mood ko nang mapadaan sa isang post tungkol sa isang online competition.

I suddenly worry about Kai and his grrandfather.

His grandfather's still comatose at the hospital. Nabisita namin isang beses, pero pagkatapos noon ay wala na. Since then, palaging puyat si Kai, sa pagbabantay sa hospital pati na pamomroblema sa kanilang pangbayad.

Serendipitous EncounterOnde as histórias ganham vida. Descobre agora