Chapter 17: Painting

185 27 9
                                    

Rita's POV

Nandito na ako sa bahay at panay tanong ang bumungad sa akin nina Ashley at Gab at napagpasyahan ko na ring bumaba sa sasakyan ni Ken ano sasamahan ko pa talaga sya?Linggo ngayon noh buti sana kung dadagdagan nya yung sahod ko.



Hindi ko alam kung bakit pupunta sya sa opisina niya basta kanina ay inis nya akong ibinaba may sakit ba sya at iba iba ang mood nya?


"Huy ano na Rita kanina pa kami nag tatanong ni isang tanong wala ka pang nasasagot"nakapameywang sa sambit ni Gab.


"Ano ba kasi yung tanong nyo ha"inis na banggit ko rito.


"Oh bakit ka naman naiinis nag away ba kayo ng boss mo?"sambit naman ni Ashley.


"Oo,oo nag away di ko alam kung away yun kasi nga gusto nya pa akong isama sa opisina nya eh ano ba gagawin ko dun,namin?"iriting banggit ko dito at uminom ng isang basong tubig.




"Girl relax,pero parang alam ko na ang gagawin nyo"sabi ni Gab at nag tinginan sila ni Ashley,alam ko,alam ko yung nasa isip nila.



"Ano?Hoy hindi yun ang gagawin naman ambaboy nyo neng"sabi ko rito at sabay silang tumawa.











Ken's POV

Inis kong ibinaba si Rita kanina sa sasakyan ko hindi ko alam at ngayon pa ito nag reklamo basta naiinis ako sa kaniya.


Nandito na ako ngayon sa aking opisina ng madatnan ko ang aking lola.

"Apo,Kennie"ngiting bungad ng aking lola.

"Mamala,masaya ako na nakita kita i miss you"sambit ko dito at niyakap ito ng mahigpit.

"And btw Mamala don't call me Kennie hindi na ako bata"nahihiyang ani ko ngunit tumawa lang ito.


"Eh apo nakasanayan na kasi ng mamala mo tawagin kitang Kennie at tsaka pa ikaw parin ang paborito at pinakacute kong apo"sabi nito sabay pisil ng aking pisngi.


"Yun lang po ba mamala?"sambit ko dito na ikinatawa nya.


"Hahahaha o sige ikaw ang pinaka gwapo kong apo"napangiti ako sa sinabi nito na para bang kinikilig.




Simula bata pa lamang ako si Mamala na ang nag alaga sa akin kaya nga mas close ko sya kaysa kay mommy at sya rin ang taong hindi ako iniwan nandyan sya sa oras ng aking pangangailangan,saksi sya sa lahat ng aking pinagdaanan yung mga luhang dumadampi sa kaniyang damit ay nandyan sya at pilit na pinapagaan ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman at hanggang ngayon nandito parin siya upang ako'y mahalin at suportahan bilang isang apo,anak at isang pintor ng pamilyang Chan.





Nang matapos kaming mag usap ni Mamala ay umalis na ito kasama ang kasambahay nito,masaya ako na sya'y pumarito at pansamantalang nawala ang aking inis.



Tumungo ako ngayon sa Art Studio sa pag kakaalam ko hindi pa nakakapunta si Rita dito dahil tanging mga staff lang ang maaring pumunta dahil ayoko naman na may taong gumagambala sa aking pag pipinta.




Kinuha ko ang ang brush at nag simulang mag pinta,Sa tuwing wala akong ginagawa o kung Day Off ay nandito parin ako upang mag pinta kaya niyaya ko dito Rita upang makita man lang ang aking pinipinta,alam nyo ba kung ano ito?




Hawak ko ang isang maganda larawan.Ito ang unang larawan naming dalawa kahapon,paano ko nga ba ito nakuha?napagpasiyahan ko kasi kahapon na magpakuha sa isang turista na mukhang photographer na kuhaan kami ng larawan ni Rita habang mag katitigan kaming dalawa.

Our Forbidden LoveWhere stories live. Discover now