Chapter 25: Kaba

203 30 11
                                    

Ken's POV

Araw ng sabado at ang ibig sabihin ay ngayon ang kaarawan ko,bumangon ako sa aking kama  at kinuha ang aking phone,pagtingin ko dito ay nalungkot ako dahil wala man lang nag text o tumawag sa akin upang batiin ako.Napailing ako at nagisip.



"Bakit?aasahan ko pa bang babatiin nila ako?eh siguro nga galit parin sila sa akin"kausap ko sa sarili ko,maglalakad na sana ako patungo sa banyo ng magring ang phone ko.




Kinuha ko ito at nakita kung sino ang tumawag.Si Dad?agad ko naman itong sinagot at hinintay siyang magsalita.





"Hey Son happy birthday,i'm so sorry kung wala ako jan sa birthday mo ha,wala kami ng mommy mo pero siguro naman masaya ka ngayon kasi kasama mo ang mga kaibigan mo,babawi nalang ako sayo next time ha"sambit nito sa kabilang linya,napailing naman ako sa sinabi nya,akala nya bang masaya ako ngayon?akala ko rin eh pero nagulat din ako dahil tumawag si daddy sa akin kala ko ba naman ay nakalimutan nya na ito.



"Thank you dad,yes dad i'm so happy kasi kasama ko ang mga friends ko"
pagsisinungaling ko dito at ramdam kong masaya ito.Ako na ang nagpaalam sa kanya at sinabing magcecelebrate pa kami...ako lang pala.







6pm,napagpasyahan kong pumunta sa Bar upang mag inom at icelebrate ang kaarawan ko ng mag isa,celebrate pa ba ang tawag dun?kung wala naman akong kasama?dahil pati mga kaibigan ko ay nakalimutan na at siguro hindi alam ni Rita na ngayon ay espesyal kong araw kaya tumanggi sya sa aking imbita.





Iinomin ko na sana ang isang glass ng alak ng may magsalita,pamilyar ang boses nito."Hey baby i miss you,happy birthday kala mo nakalimutan ko na noh?don't worry kasi hindi and.."sambit nito at napangiti."Siguro gusto mong icelebrate yung birthday mo dito noh,na kasama mo ako,ang sweet naman ng baby ko"banggit nito at nilingon ko ito..si Kelly.Biglang uminit ang ulo at para bang umuusok na ang ilong ko sa sinabi nito.Shit hindi to pwede.




"Pwede bang iwanan mo na ako dito at tska hindi ko birthday Kelly kita mo naman ako lang mag isa diba?Umalis kana!"sambit ko dito na may halong pag kairita.




"Ako pa talaga niloko mo ha,baby alam kong alam mo na nagsasabi ka niyan para isurprise moko,to naman..."sabi nya sabay hampas ng mahina sa balikat ko."Ang sweet mo talaga kahit kelan"naiinis na ako sa kaniya.Nang tumigil sya sa pagsasalita ay unti unti itong lumapit sa aking tenga at bumulong"Pero may regalo ako sa iyo at sure akong magugustuhan mo"pang aakit na banggit nito.




Tumayo ako at nagsalita"Kapag sinabi kong umalis ka umalis ka o kung ayaw mong umalis ako ang aalis t*ngina"sigaw ko dito pipigilan nya na sana ako ng higitin ko ng malakas ang kamay ko sa pagkakahawak nya dito dahilan para matumba ito.

*Flashback

Nandito ako ngayon sa Bar upang magpalamig ng ulo dahil naiinis at nagagalit ako at ito lamang ang tanging alam ko kung paano maalis ang init ng ulo ko.


"Hi baby"nakangiting ani ng babae habang lumalapit sa akin uniling ako dito at hindi pinansin.




"Uy why naman ganyan ka,smile naman oh,para lalo kang gumwapo"malanding sambit nito,tss hindi nya ba ko titigilan galit ako.



"Ano ba hindi mo ba ako titigilan ha?"inis na sambit ko dito at tatayo na sana ako sa aking kinauupuan ng biglang hawakan nya ang aking kamay at hinila papunta sa kanya at inilapat ang kaniyang labi sa aking labi.



At dahil galit ako at gusto kong ilabas ang nararamdaman ko ay ginantihan ko narin ito ng halik.


*End of Flashback

Our Forbidden Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن