Chapter 24: Selos

221 26 18
                                    

Rita's POV

Araw ng Huwebes at ang ibig sabihin nun ay may pasok na naman as usual makikita ko na naman ang chinitong iyon hays.


Nandito na ako sa harap ng opisina nito kakatok na sana ako ng may magsalita.


"Pasok"sabi ni Ken.Luh papaano nya nalaman na nandito na ako?taray ha.


Pagkapasok ko ay kunot noo ko itong tinignan.



"What?"natatawang sabi nito habang inaayos ang folder na nasa table nya.



"Paano mo nalaman na nandoon na ako?tanong ko dito.



"Syempre ako pa,nararamdaman na kita,kasi tumitibok yung puso kapag palapit kana "banat nya na ikinatawa ko.




"Ewan ko sayo dami mong alam"sabi ko at tumawa lang ito hahaha.



"Rita pwede ba tayong maglunch mamaya?"tanong niya at nilingon ko ito.



"Hay Ken baka mapaghalataan na tayo nila wag na at tsaka kasama ko naman sila Sheena kumain"sabi ko at nalungkot naman ito hala.




"Ayaw mo ba akong kasama kumain?"
malungkot na ani niya.




"Kumain ng?"pang aasar ko.




"Kumain ng pagkain bakit may iba pa ba?"sabi niya ngunit alam nya ang ibig kong sabihin haha.




"Wala,sige na nga baka umiyak kapa jan mawalan pa ako ng trabaho"natatawa kong banggit na ikinatuwa rin nya.









~~~~~~~~~~

"Pansin ko lang mas napapadalas na yung tawa mo ah wala ng sungit"masayang sabi ko dito habang kumakain kami ng lunch dito sa isang restaurant.




"Dahil naman yun sayo eh"ewan ko ba kinikilig na naman ako.




"Yan ka na naman ha,dami mong alam neng haha"



"Bakit totoo naman ah kaya nagpapasalamat ako kay Lord kasi nakilala kita hindi man maganda yung una nating pagkikita pero ngayon nakakausap na kita ng maayos hahaha at manliligaw mo na ako"kinikilig na sambit nito.





"Luh kinikilig ka?hahaha"natatawa kong sabi dito at isinubo na ang spaghetti.




"Oo naman,bakit ikaw lang ba ang pwedeng kiligin?"




"Eh kala ko kasi...."hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dinampi nya ang daliri nya sa gilid ng labi ko.




"Yan okay na,para ka kasing bata kumain eh"natatawang sabi nito,pinunasan lang pala pero hindi ko ipagkakaila kinilig ako.




"Ahm Rita sana magustuhan mo yung panliligaw ko sayo kahit na simple lang pero malaking pagmamahal ang ibinigay ko doon kaya be ready kasi by next week dadalhin na kita"sincere na sabi nito.Ganito pala yung feeling na may manligaw sayo noh?ang bitter bitter ko kasi kaya walang nagkakagusto sa akin noon.




"Dadalhin saan?"tanong ko dito na ikinangiti nya.




"Dadalhin sa akin palasyo"ano daw palasyo?




"Palasyo ka jan tigil tigilan moko Ken ha"




"Basta malalaman mo rin yun hehe"nahihiyang sabi nya,naeexcite na tuloy ako ano kaya iyon.



Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon