Chapter 13: Salamat

194 26 24
                                    

Rita's POV

"Ok ka lang"nag aalalang tanong ni Ken.

"O-oo"nauutal kong sabi dito.


Hindi parin ako makapaniwala na niligtas nya ako.

"Sabi ko kasi sayo sumakay kana sa kotse at ihahatid na kita oh yan tignan mo ang nangyari sa iyo"seryosong sabi nya sakin ngunit halata parin ang pag aalala nito sa akin.

"Asaan ba ang masakit?"tanong nito sa akin at hinahanap ang sugat ko na natamo nung ako'y tinulak ng lalaki.


"Wa-wala,ok na ako wala ng masakit"nahihiyang wika ko.


"Tara ihahatid na kita"sabi nito at hinawakan ang aking kamay upang pumunta sa sasakyan nito.



Binalot ng katahimikan ang sasakyan ni Ken wala ni isa ang nag salita sa amin.


Hindi ko alam kung pa-paano ako mag papasalamat sa kaniya dahil kung wala sya walang tao ang tutulong sa akin ng dis oras na nang gabi laban sa lalaking magnanakaw na iyon.


Ngunit hindi parin mawala sa aking isipan ang nangyari kanina sa opisina ni Ken di ko alam may girlfriend na pala siya tska bakit ba ako aasa na sasabihin nya sa akin eh P.A nga nya lang ako.



"Ok ka na ba talaga?"si Ken ang unang nag salita.

"Oo nga ok lang ako"napabuntong hininga ako."Eh i-ikaw o-ok ka lang ba?"nahihiya at nauutal kong tanong,bakit ako nauutal?

"Oo ok lang ako kaya ko naman ito,asaan ba banda ang bahay mo"pag iiba nito sa usapan.


Sinabi ko sa kaniya kung saan ang aking bahay.


"Ok sige,matulog ka muna jan"banggit nito ngunit nakatingin ito sa kalsada at nag mamameho.


"Totoo?"gulat kong tanong at tumungo ito.


At dahil inaantok na ako sinunod ko na ang sinabi nito hays ang daming nangyari sa araw na ito.

Una yung trabaho ko apakadaming costumers na gustong bumili,reserved,mag invest kineme kineme tapos.....

Yung nakita ko si Ken tsaka yung girlfriend nya ewan ko kung bakit ako naapektuhan dahil doon ewan ko ba talaga at....

Yung nangyari ngayon,ninakawan ako buti nalang nandyan si Ken hay buhay kelan ba magiging payapa ang buhay ko yung puro saya nalang ang nararamdaman ko mangyayari pa ba yon o hindi na?


Napapikit nalang ako at dun ko na ipinahinga ang lahat ng nangyari kanina itulog ko muna eto.



Sa aking panaginip.....

"Huwag please Rita huwag mo akong iwan"nagmamakaawang banggit nya sa akin.

"Diba ipinangako natin sa isa't isa na kahit anong mangyari na kahit anong pagsubok ang dumaan sa atin hindi tayo mag hihiwalay?"naiiyak na sabi nito.

At ngayon ay nakaluhod na siya at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Diba papakasalan pa kita?"wika niya at hanggang ngayon ay umiiyak parin ito.


"Pe-pero hindi eh hindi na kita mahal kaya please layuan mo na ako"sabi ko dito at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang naipon sa mga mata ko.

Oo mahal ko siya mahal na mahal,pero totoo nga siguro ang kasabihan Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana,oo masakit ngunit kinakailangan kong tanggapin iyon dahil yun ang tinadhana sa aming dalawa tinadhanang hindi kami mag sasama,dahil sa una lang kami masaya ngunit kahit anong pangako nyo sa isa't isa may kung ano,sino ang hahadlang parin sa pagmamahalan ninyong dalawa.
























Our Forbidden LoveWhere stories live. Discover now