Chapter 31: Suko

134 17 41
                                    

Rita's POV

Three months later..

"Hahaha ikaw talaga wala ka nang ibang ginawa kundi magbanat"natatawang sambit ko kay Ken habang kami ay nakaupo dito sa buhangin.Narito kami ngayon sa Bataan kung saan kami pumunta noon na mag boss pa kami.Actually ngayon din naman eh pero ang nagbago is magkarelasyon na kami.

Haha nakakatuwa lang isipin na yung dating lalaking kinaiinisan mo,na boss mo is yung lalaking mamahalin mo pala ng di inaasahan.

At baon parin namin ngayong dalawa ang paglilihim ng relasyon namin,ganito pala yung pagtatago ng relasyon noh?ang hirap palang pumasok sa ganito.Ngunit sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao ay ipaglalaban mo.At yun ang pinanghahawakan ko na kapag dumating ang araw na malalaman ng magulang ni Ken ang tungkol sa amin ay ipaglalaban namin ang isa't isa dahil yan ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig.

"Huy choy anong magbanat?magbanat ng buto?hahaha"natawa naman ako sa sinabi niya.Pero ano nga ulit ang tawag niya sa akin?choy?hehe well kala ko ang ganda ng tawag na yun eh kinilig pa ako noon dahil unique pero nung malaman ko yung meaning nang itatawag niya sa akin ay bigla ako napikon.Dahil choy means tabachoy daw argh nanggigigil ako sa lalaking to.


"Hindi kasi,what i mean is"



"Ay iba na siya may pa english na"pang aasar nito at natampal ko naman ang mukha niya.


"Syempre natuto kaya ako sayo hahaha,eto what i mean is haha wala ka nang ibang ginawa kundi- Ahhh shet ahh"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang bumuhos ang ulan dahilan para mapatayo kaming dalawa.


"Ano ba naman tong ulan na'to walang pasabi kung kailan babagsak"inis kong banggit habang kami ay tumatakbo ni Ken papunta sa malaking tent na pinaupahan niya kanina.

"Parang ako lang di ko na palang namamalayan na nahulog na pala ako sa'yo"aba nakuha na naman niyang bumanat.

"Ano ba hobby mo ba yung bumanat ha?kahit corny?"

"Yup,corny daw pero kinilig naman"oo bwiset kinilig na ako.



"Haist"aniya't bumuntong hininga.


"Nabasa kana tuloy choy wait kukuha lang ako ng tuwalya baka kasi magkasakit ka pa"lihim akong ngumiti sa mga salitang sinambit niya.Ano ba kasi!may itinatago rin pala itong
kabaitan napakamaasikaso,malambing,
mapagmahal na boyfriend pala nitong si Ken.Ewan ko nga kung bakit wala itong nagiging girlfriend noon eh.


"Salamat chow,ikaw rin magpunas ka jan basa karin oh"aniko at ibinigay naman sa kaniya ang tuwalya.Chow na ang tawag ko kay Ken mula nung tawagin niya akong choy dahil nakita ko ang baby pictures niya sa kwarto niya hehe,pumunta kasi ako dun dahil din sa work syempre PA niya ako diba?Chow because mukha siyang chow chow nung baby pa siya haha ang ganda ng callsign namin ang unique.




"Hindi na,ok na sa akin 'to"


"Ang mabasa?"


"Hindi,ang mahulog sa'yo"bigla ko namang inihagis sa kaniya ang tuwalya na ibinalik niya sa akin.


"Ano ba kasi tumigil-tigil ka nga!"at etong chinoy na ito ay humagak-gak sa tawa na animo'y wala nang bukas.


Bigla ko naman iginalaw ang aking bewang dahil may naramdaman akong masakit doon pati narin ang balikat ko.


"Oh bakit choy?what happened?"nag aalalang tanong sa akin ni Ken.

"Ang sakit kasi ng bewang tsaka balikat ko eh,kasi naman eh pinaglaro mo pa ako ng volleyball kala mo naman kasi marunong ako"pagsisi ko dito,dahil kanina ay niyaya ako nitong maglaro.

Our Forbidden LoveWhere stories live. Discover now