Chapter 27: Lasing

222 22 23
                                    

Ken's POV

"Oh apo ilagay nyo muna yung mga dala ninyong bag sa kwarto"saad ni papalo sa amin.Tapos na kaming kumain at kanina ay puro tukso ang naabot namin ni Rita kesho daw itatanan ko si Rita kaya dinala ko siya dito sa Pampanga,hindi ba pwedeng dito ko lang gusto?kasi para sa akin ito yung espesyal at perpektong lugar para manligaw.

"Lo saan po ba kami?"tanong ni Jordan at inakbayan ang girlfriend nyang si Claire,natawa naman si papalo dito.

"Apo hindi muna kayo magsasama sa isang kwarto ha,magkahiwalay ang lalaki sa babae"sabat naman ni mamala na ikinalungkot naman ni Jordan.

"Aww wala munang labing labing bro si papalo na ang nagsabi hahaha"natatawang ani ko kay Jordan ngunit natawa rin naman ito.

"Eh wala rin kayong labing labing ni Rita kala mo ako lang asus"panukso naman ito sa akin,kahit kailan talaga tong kaibigan ko.

"At bakit naman kami mag lalabing labing aber?"pananaray ni Rita kay Jordan haha.

"Oo nga eh wala namang sila"sabat din naman ni Gab na kinurot naman ni Rita sa gilid ng bewang nito.

"Manahimik ka nga jan"pagpapatahimik nito sa kaibigan.

"Hahaha sige na mga apo ilagay nyo na yang mga bag nyo at hihintayin ko kayo dito para sabay tayong bumaba ha?"utos sa amin ni papalo agad naman kaming tumango at tumungo sa silid na papahingahan namin.


"Kaya natin to babe ah"ani ni Jordan,ang harot talaga tsk.









Nandito na kami sa baba ng bahay nina papalo at mamala at tutunguhin namin ang simple ngunit magandang garden nito.Ewan ko kung bakit kami pinapunta rito.


Nagulat nalang kami ng masilayan ang mga nakita namin garden ba ito?bakit may videoke?tapos nakahanda narin ang lamesa't mga upuan.


"Papalo sigurado po ba kayo na dito tayo?"tanong ko kay papalo at umupo sa upuan kaharap ng videoke.

"Oo apo dito kayo magrerelax muna ha"aniya.

"Eh ano po yung sinasabi ninyong mapapalaban lo?"tanong ni Mike,oo nga

"Mapapalaban kayo sa inuman"nagulat ang lahat sa sinabi ni papalo maging si Rita.

"Po?kasama rin po kami?"tanong ni Rita.

"Mga apo hindi lamang ang pag inom ang maari nyong gawin,pwede ito"sambit ni papalo at kinuha ang mikropono mula sa videoke at inilapag sa lamesa."Pwede kayong kumanta"masayang ani nito,mukhang masaya ito ah.

"Hmm ok yun lo ah okay okay simulan na natin"sabi ni Jordan at ngayon ay may hawak na siyang alak,hapon naman ngayon at malalayo ang mga tao dito sa bahay nina papalo at mamala kaya malaya kaming kumanta at mag inuman.


"Oh sino unang kakanta?"tanong naman ni mamala sa amin.Medyo natahimik ang lahat dito dahil walang nag prinsintang kumanta.


"Ako po!"pag prinsinta ni Gab na ikinagulat naman ni Rita.


"Huy ano ba yan dito ka pa talaga mag kakalat ha"

"Grabe naman sya teh eh walang nag prinsinta so ako nalang,diba???"tanong nito sa amin at nag si oo naman kami.

"Ayusin mo lang ha kung hindi,papauwiin kita ng di oras"pananakot ni Rita at nag sitawanan kaming lahat.


"Music please"confident na sabi ni Gab at tumayo ngunit sinita naman nito ni Rita.


Our Forbidden LoveWhere stories live. Discover now